Vacuum cleaner
NAKATANGGAP ng memo si Arthur dahil tatlong buwan na siyang walang benta. Ahente siya ng vacuum cleaner. Ganoon kasi kapag bagong pasok sa kumpanya, ang unang ipapabenta sa new recruit ay yung produktong hindi mabili para ma-testing kung gaano siya kagaling mangumbinse. Kapag nakapagbenta na siya ng required number of vacuum cleaners, saka siya bibigyan ng produktong mabilis ibenta kagaya ng TV, refrigerator, etc. Kaya nag-isip siya ng magandang stra-tegy. Manghihingi siya ng tae ng kabayo sa kapitbahay niyang kutsero sa Divisoria. Iyon ang gagamitin niya sa kanyang “strategy”.
Kinabukasan, buong ingat niyang ibinalot sa plastic ang tae ng kabayo, tapos ay inilagay sa sosyal na shopping bag. Sa isang subdivision sa Quezon City siya pumasok. Pumili siya ng bahay na pinakamaganda sa kalyeng kinaroroonan niya. Nag-door bell siya at matandang mukhang donya ang nagbukas ng pinto.
“Good morning, Ma’am,” magalang na bati ni Arthur. “If I could take a few minutes of your time, I would like to demonstrate the very latest in vacuum cleaners.”
Napangiti ang donya. Bukod sa magalang ay pogi si Arthur kaya mabilis makagaanan ng loob.
“Okey young man, come in”.
Basta’t pumayag ang prospective costumer na mag-demonstrate ang ahente, bah, mga 30 percent na ang tsansa na bumili ito. Sa loob-loob ni Arthur, itotodo na niya ang sales talk. Todo na ‘to! Sigaw niya sa sarili. Ibinuhos niya sa carpet ang bitbit na tae ng kabayo. Nagulat ang donya.
“My God! What are you doing?”
“Ma’am, dumi ng kabayo ang gusto kong ipahigop sa vacuum cleaner upang maipakita ko kung gaano ito kagaling maglinis ng pinakamabigat ng dumi. Kung may makikita kang hindi nasaid ng vacuum cleaner, don’t worry, kakainin ko ang dumi ng kabayong matitira sa iyong carpet”. Sinabi niya na kakainin ang ebak dahil very confident siya na magaling maglinis ang vacuum cleaner.
Napangisi ang donya. “Well, brown out ngayon. Paano mo paaandarin ang vacuum cleaner? Marami rin ang ikinalat mong tae sa aking carpet. Ikukuha kita ng kutsara para hindi ka mahirapan sa pagkain.”
Kinabahan si Arthur. Pero after 5 minutes ay bumalik ang power. Bumili ang donya ng vacuum cleaner.
- Latest