^

Punto Mo

Samu’t saring gimik sa negosyo ng droga, buking ng PDEG!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKI talaga ang kita sa negosyo ng droga kaya kung anu-anong gimik na lang ang ginagamit ng drug lords para ipagpatuloy ang kanilang aktibidades kahit nakakulong na sila. Ang maganda lang, hindi nagsasawa ang mga tauhan ni Brig. Gen. Ronald Lee, hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa pagtugaygay sa kanila hanggang masilo ang mga bataan nila at maibato sa likod ng rehas na bakal.

Bago mag-Bagong Taon, dalawang menor-de-edad at tatlong kalalakihan ang naaresto ng operatives ni Lee samantalang ang isang dayuhan naman ay binawian ang buhay dahil nanlaban. Araguuyyyy!

Kaya ang panawagan ni PNP chief Gen. Debold Sinas sa mga gustong magnegosyo ng droga, aba maghunos dili kayo dahil seryoso siyang ipatupad ang kautusan ni President Digong na puksain ang droga sa bansa. Hak hak hak! Dalawa lang ang kalalagyan n’yo kung ‘di sa rehas na bakal ay sa ataul na bakal.

Ang dalawang menor-de-edad ay nasakote sa isang drug sting sa Sitio Alumnus Seaside, Bgy. Basak, San Nicolas, Cebu City noong Disyembre 30 at nakumpiska sa kanila ang 200 grams na shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon.

Ayon kay Lee, ang dalawa ay ni-recruit ng “bodegero” ng isang Oliver Abais, alyas Bakang bilang repacker at distributor ng shabu. Ang pinagbilhan ay ire-remit sa bodegero at inaalam pa ng tropa ni Lee kung paano nakarating ang pitsa kay Abais, na nakakulong sa Cebu City jail. Matinik din si Abais dahil sa paggamit ng mga menor-de-edad aba baka mapaglalangan niya ang batas, di ba mga kosa? 

Sumunod na araw naman, naaresto ng PDEG sina Rodney Delfino, 43; Jamel Tabasa, 26, at Edgar Quiachon, 26, sa Poblacion, Talisay Cebu at nakumpiskahan ng 325 gramo ng shabu worth P2.21 milyon. Sinabi ni Lee na i Delfino, na driver ng ambulansiya ng Bgy. Poblacion, ay bodegero ng isang alyas Wesley Chua, na inaresto ng Cebu police noong nakaraang Pebrero at nakumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P10.4 milyon.

Habang nakakulong si Chua, ipinagpatuloy naman ni Delfino ang negosyo nito ng droga sa Metro Cebu at sa kalapit na bayan ng Naga, Minglanilla at San Fernando. Siyempre, bilang frontliner, gamit ni Delfino ang ambulansiya para mailigaw niya ang mga awtoridad sa drug operations niya. Sina Tabasa at Quiachon naman ang distributor ng droga at kapag nakasingil na ay idinideposito ito ni Delfino sa isang account sa banko. Araguuyyyyy! Tsk tsk tsk! Mahirap mapaglalangan ang PDEG ni Lee, ‘no mga kosa?

Ang Nigerian national naman na si Gabriel Onyechefula ay hindi na nakasilip ng Bagong Taon dahil nadale ito matapos manlaban sa PDEG at iba pang unit ng PNP sa isang drug sting sa Concepcion, Tarlac. Ayon kay Lee, ang Nigerian ay miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS) na sangkot sa pagparating ng shabu at cocaine sa bansa.

Ang masama pa, ang WADS ang nasa likod ng pagkumbinsi ng mga Pinoy na maging drug mules, ani Lee. Imbes na sumuko matapos makorner sa parking lot ng isang videoke bar sa Bgy. Jefmin sa Concepcion, aba binunot ng Nigerian ang kanyang 9mm machine pistol at nakipagbarilan sa tropa ng PDEG. Nakumpiska sa kanya ang 2 kilo ng shabu worth P13.6 milyon at 14 bundle ng boodle money. May kasunod pa ba ito General Lee Sir? Abangan!

PNP DRUG ENFORCEMENT GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with