^

Punto Mo

EDITORYAL - Kamay na bakal vs illegal mining

Pang-masa
EDITORYAL - Kamay na bakal vs illegal mining

ILLEGAL mining sa Cagayan ang itinuturong dahilan nang malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa nasabing probinsiya noong Huwebes. Nang magtungo si President Duterte sa Cagayan noong Linggo para alamin ang sitwasyon ng baha, inatasan niya si Environment Sec. Roy Cimatu na imbestigahan ang illegal mining activities sa Cagayan. Nakarating sa kaalaman ng Presidente na maraming illegal mi-ning activities sa Cagayan. Binubutas aniya ang mga bundok. Sa mga butas pumapasok ang tubig kapag umulan at nagiging dahilan para humina ang lupa. Nagkakaroon ng landslide at pagbaha.

Grabeng pagbaha ang naranasan sa Cagayan noong Huwebes na hanggang ngayon ay lubog pa rin sa tubig ang maraming bayan at patuloy pa ang ginagawang pag-rescue. Dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig, lumubog ang mga bahay. Nag-akyatan sa bubong ang mga tao para makaligtas. Ngayon lamang daw sila nakaranas ng ganoon kalaking baha na nagmistulang dagat ang kapaligiran. Siyam ang namatay sa Cagayan dahil sa pagkalunod.

Sinisisi ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam kaya nagkaroon ng baha. Pero sabi ng pamunuan ng dam, Nobyembre 9 pa lamang ay nag-abiso na silang mag­papakawala ng tubig dahil may paparating na bagyo. Hindi umano sila ang dapat sisihin sa malaking baha.

Maaaring may kinalaman ang Magat Dam sa pagbaha subalit mas kapani-paniwala na ang illegal mining at illegal logging sa Cagayan ang tunay na dahilan kaya nagkaroon nang matinding baha. Galing sa bundok na minimina ang tubig na iniluwa sa Cagayan River. Kulay kapeng may gatas ang baha na halatang galing sa bundok na butas-butas.

Ngayong inatasan na ni President Duterte si Cimatu na imbestigahan ang illegal mining, dapat kumilos na siya. Ipakita na niya ang kamaong bakal laban sa mga illegal mining. Ipasara niya.

Ganyan ang ginawa ni dating DENR Sec. Gina Lopez noong 2017, nang ipasara nito ang 23 minahan. Ayon kay Lopez, sinisira ng mining companies ang mga kabundukan at watershed areas. Pinapatay ang mga ilog at tinatabunan ng mga latak ang mga kabukiran. Ang mga minahan na ipinasara ay nasa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Homonhon Island, Benguet, Bulacan at Zambales.

Iligtas ang Cagayan sa mga susunod pang pagbaha. Ipatigil ang pagmimina at illegal logging. Protektahan ang kapaligiran at ang mga bundok sa tiyak na pagkasira.

 

ILLEGAL MINING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with