^

Punto Mo

EDITORYAL - Pangalanan, mga ‘missing in action’ na mayor

Pang-masa
EDITORYAL - Pangalanan, mga ‘missing in action’ na mayor

SAMPUNG mayor ang wala sa kanilang lugar noong kasagsagan nang pananalasa ng Bagyong Rolly, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG). Nasaan sila? Iyan ang inaalam ngayon ni DILG Sec. Eduardo Año. Ayon kay Año, ipatatawag niya ang 10 mayor at pagpapaliwanagin kung bakit absent sa kanilang lugar habang humahagupit ang Bagyong Rolly. Ang Bagyong Rolly ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2020. May taglay na lakas ng hangin na umaabot sa 225 kilometer per hour. Ang Bicol Region ang grabeng sinalanta ng bagyo at umabot na sa 19 ang patay at marami pang hinahanap. Karamihan ay nalibing nang buhay dahil sa pagragasa ng putik at mga bato sa kanilang mga bahay. Pinakamatinding tinamaan ang Guinobatan, Albay.

Natukoy na umano ng DILG ang 10 mayor at pinadalhan na ang mga ito ng show cause orders upang hingan ng paliwanag. Ayon kay Año, habang papara-ting pa lamang ang Bagyong Rolly ay nagtaas na ng warnings ang DILG at naglabas na sila ng checklist na dapat gawin ng mga mayor sa pagsapit ng bagyo. Kabilang dito ang pag-convene ng local disaster risk reduction and management council sa kanilang nasasakupan. Ang mayor lamang ang makapagsasagawa ng ganito. Dapat nasa kani-kanilang posisyon ang mga mayor habang nasa kasagsagan ang bagyo at maging sa pagkatapos ng kalamidad. Dapat ang mga mayor ang mamumuno sa pagsasagawa ng mga kailangang paghahanda sa nasasakupan.

Limang araw ang ibinigay na taning sa 10 mayor para magpaliwanag kung bakit missing in action sila habang nananalasa ang Bagyong Rolly. Mahaharap sa kasong administratibo ang mga hindi magbibigay ng paliwanag.

Nararapat pagpaliwanagin ang 10 mayor na “lakwatsero” habang ang kanyang bayan ay binabayo ng bagyo. Mas mainam kung papangalanan ang mga ito para malaman ng kanilang mga nasasakupan kung anong klaseng mayor ang kanilang inihalal. Nararapat silang masampolan. Hindi sila nararapat sa puwesto sapagkat bahag ang buntot nila sa panahon ng bagyo.

 

TYPHOON ROLLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with