^

Punto Mo

Paalaala sa may edad ‘50 plus’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

HUWAG mong tipirin ang iyong sarili. Gamitin mo ang iyong pera sa dapat mong pagkagastusan. Gawin mo ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan, kung may sobra, ibigay ito sa kawanggawa. Huwag mong iiwan ang lahat ng iyong savings sa  mga anak at apo. Lilikha ka lang ng “parasites” na ang tanging hihintayin ay ang kamatayan mo!

Huwag mong problemahin  ang mangyayari kapag wala ka na sa mundong ito. Ano pang mararamdaman mo kung humalo na sa hukay ang katawan mong lupa? Hindi mo na maririnig ang mga papuri at pamimintas sa iyong pagkatao.

Huwag maging alipin ng mga anak. Gabayan lang sila pero hayaan  mong sila ang humanap at bumuo ng kanilang  kapalaran. Gastusan sila ngunit magtira ng para sa iyong sarili. Kung paano mo sila ini-spoil, dapat ganoon ka rin sa iyong sarili.

Huwag kang umasa sa iyong mga anak. Kahit pa sila mapagmahal, darating ang panahon na magiging busy sila sa kanilang career at iyon ang uunahin nila. At kung magkaroon ng sariling pamilya, magiging poor second priority ka na lang.

May mga anak naman na ang nasa isip ay may karapatan sila sa iyong kayamanan ngunit ikaw naman ay walang karapatan sa sarili nilang pera. Unfair di ba? Kaya endyoyin mo na ang perang pinaghirapan mo hangga’t malakas ka pa.

Sa libu-libong ektarya ng palayan na pag-aari mo, ilang cups lang ba ng rice ang nakakain mo sa isang buong araw? Sa malawak na mansiyon na pinagkakagastusan mo ng buwis at renovation, mga 8 square meters lang ang kailangan mo para tulugan tuwing gabi. So anong point para magkandakuba  ka pa sa katatrabaho sa edad mong singkuwenta pataas? Sa ginagawa mong pang-aabuso sa iyong katawan, lalo mo lang pinaaaga ang iyong kamatayan. Remember, hindi nabibili ang good health.

Sa bawat isang araw ng kalungkutan, isang araw ang nababawas sa iyong buhay.

Ngunit sa bawat isang araw na kasiyahan ay isang araw ang nadadagdag sa iyong buhay. Be happy. Humalakhak nang buong lakas. Enjoy life.

vuukle comment

PARASITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with