^

Punto Mo

Hindi ako susuko (6)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINAGONG mabuti ni Reagan ang kinitang P500 sa kanyang bulsa. Unang pagka­kataon na mayroon siyang kinita mula sa sariling talento at pagsisikap. Masayang-masaya siya.

Bago umuwi, nag­simba muna siya. Nag­­pasalamat nang ta­imtim sa natamo niyang biyaya mula sa Diyos. Hiniling niyang gabayan siya ng Diyos para makagawa pa nang maraming artwork para mayroong pagkakitaan. Hiniling din niyang makaipon siya ng pera para mayroong maipang-tuition sa kolehiyo. Gusto niyang makapag-aral at nang matupad ang pangarap­. Gusto rin niyang matulungan ang mga magulang at kapatid.

Nang matapos ang misa, lumabas na siya ng simbahan. At bago tuluyang nakalabas, mayroon na agad siyang ideya kung ano ang isusunod­ na idu-drowing para ma­ibenta at mapagkakitaan: mga naging pope gaya ni Pope John Paul II, Pope Paul VI, Pope John XXIII at pati si Pope Francis.

Masaya siyang umuwi ng bahay. Parang may pak­pak ang kanyang mga paa.

Nang dumating siya bahay, naroon­ na ang kanyang tatay at nanay at tat­long­ kapatid na galing din sa pagsisimba sa kapilya sa ba­rangay.

Masaya niyang ibinalita na nabenta lahat ang dinrowing niyang mga santo.

“Nanay, ku­mita ako ng P500!’’ sabi niya.

“Talaga?’’

Dinukot niya ang P500 sa bulsa.

“Eto po ang P500, Nanay.’’

Napangiti ang kanyang nanay.

“Aba pera mo ‘yan. Itago mo. Ipunin mo. ‘Di ba gusto mong magkolehiyo?’’

“Opo.’’

‘‘Itago mo ‘yan.’’

Ganundin ang sinabi ng kanyang tatay sa kanya. Ipunin niya ang pera para may maipang-tuition.

(Itutuloy)

vuukle comment

HARDWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with