Hindi puwedeng tatahimik na lang
PINAG-ISIPAN kong maigi kung ako’y magsasalita sa isyung ito.
Baka kasi may magsabing pakialamero ako’t sawsawero.
Pero kung pag-uusapan ang trabaho kong magbigay ng analysis sa mga isyu ng lipunan, magbibigay lamang ako ng ilang insights.
Hindi ko hilig ang makialam sa buhay ng ibang tao. Lalo na kung kabaro ko ang nalalagay sa sentro ng kontrobersiya.
Sa isyu ni Arnold “Igan” Clavio, maraming nagulat at may ilan namang hindi na nabigla.
Igan, nagsalita na ang nanay ng anak mo. Baka raw maging multo pa kasi ito sa anak n’yong panganay.
After 22 years, she breaks her silence; she confessed para lang magkaroon siya ng kapanatagan. Umamin sa nagawa niyang kasalanan, humingi ng tawad sa kanyang mga nasaktan.
How about you Arnold? What are you gonna do when the sun shines on you?
Sa tagal ng panahon, marami nang nakaladkad at nadamay na pangalan na wala namang kinalaman.
Kaya sa pagsasalita ni Sarah Balabagan, gusto niyang itama ang mga akusasyon at kuro-kurong ibinabato sa ina at sa mga taong nasangkot.
Tutal naman, tuluyan nang pumutok ito, stand up, man up! Hindi siguro puwedeng tatahimik ka na lang.
Uulitin ko, what are you gonna do when the sun shines on you Arnold?
Are you gonna stay in the light or you gonna hide in the dark?
Are you gonna keep it as secret or let it open in public?
- Latest