^

Punto Mo

Conjugal property ba ang ari-ariang namana?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ikinasal po kami ng asawa ko noong 2002 ngunit hiniwalayan ko na po siya.

Bagama’t hindi pa po namin napapawalang-bisa ang aming kasal sa husgado ay ilang taon na rin po kaming hindi nagsasama.

Noong isang taon, nama-yapa po ang aking ama at pinamanahan po ako ng kapirasong lupa.

Gusto ko po sanang ibenta na ang lupang ito ngunit hindi ko alam kung conjugal property ba ito at may bahagi ba ang asawa ko rito. —Nina

Dear Nina,

Hindi mo nabanggit kung may prenuptial agreement kayo ng asawa mo bago kayo ikinasal. Kung mayroon, ang prenuptial agreement ang mananaig ukol sa mga isyu ng ari-arian sa pagitan n’yong dalawa.

Kung wala naman ay ang Article 92 ng Family Code ang mananaig sa pagitan ng mag-asawa pagdating sa usapin ukol sa pagmamay-ari ng mga ari-ariang natanggap sa pamamagitan ng donasyon o bilang pamana.

Ayon sa Article 92 ay pag-aari ng bawat isa ang mga ari-ariang kanilang natanggap bilang donasyon o namana matapos silang ikasal.

Kaya kung wala kayong prenuptial agreement, sarili mong pag-aari ang lupang minana mo kahit may bisa pa rin ang kasal n’yo ng asawa mong hiniwalayan mo na.

CONJUGAL PROPERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with