^

Punto Mo

Sobrang interes na naibayad, mababawi pa ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Upang magkapuhunan sa itinayo kong maliit na negosyo, umutang po ako ng P100,000 sa kakilala ko. Bagama’t naibalik ko na naman po kaagad ang P100,000 ay siningil pa rin ako ng karagdagang P30,000 ng aking inutangan bilang interes. Binayaran ko naman po ang nasabing halaga dahil na rin sa hiya ko sa kanya. Ngunit nang lumaon ay napag-isip-isip ko kung bakit ba ako nagdagdag ng bayad kung wala naman kaming napagkasunduan ukol sa interes at kung gaano kalaki ito. Maari ko pa po bang bawiin ang naibayad ko na kahit kusa ko naman po itong ibinigay sa kanya? — Chris

Dear Chris,

Maari mo pa ring bawiin ang naibayad mong P30,000 dahil kailangang napagkasunduan at nakasaad sa isang kasulatan ang pagbabayad ng interes alinsunod sa Article 1956 ng Civil Code. Ayon sa iyo, hindi n’yo naman napag-usapan ang tungkol sa pagbabayad ng interes at mas lalo namang wala kayong pinirmahang kahit anong kasulatan ukol dito.

Ayon sa Article 1960 ng Civil Code, kung nagbayad ang isang umutang ng interes kahit wala namang napagkasunduan ukol dito ay kailangang sundin ang prinsipyo ng solutio indebiti na matatagpuan sa Article 2154 ng Civil Code. Ayon sa nasabing probisyon, kung may natanggap na isang bagay at wala namang karapatan ang nakatanggap na hingin ito at naibigay lamang ito sa kanya bunsod ng pagkakamali ay magkakaroon ng obligasyon ang nakatanggap na ibalik ang bagay na kanyang natanggap.

Base rito ay may karapatan kang singilin pabalik ang P30,000 na ibinayad mo dahil ibinigay mo lamang ito sa pag-aakalang kailangan mo talagang magbayad ng interes. Magpadala ka muna ng demand letter sa inutangan mo kung saan hinihiling mo na ibalik niya ang nasabing halaga. Kung hindi niya pansinin ang liham mo ay saka mo na siya sampahan ng kaso sa small claims court upang mabilis ang maging pagdinig sa kaso mo.

INTERES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with