Lalaki sa Florida, nag-print sa bahay ng pekeng tseke upang makabili ng Porsche
ISANG lalaki sa Florida ang nagawang makabili ng brand new na Porsche gamit ang pekeng tseke na ginawa niya sa kanyang computer sa bahay.
Nagawang maiuwi ng 42-anyos na si Casey William Kelley ang bagong Porsche gamit ang pekeng $140,000 tseke na kanyang ginawa ngunit nahuli rin siya matapos ang isang araw nang subukan niya itong gawin muli sa isang tindahan ng mamahaling relo.
Dahil hindi pa nakutento sa naitakbo niyang Porsche, nagpunta naman kinabukasan sa tindahan ng Rolex watches si Kelley at sinubukang bumili gamit ang ilan pang pekeng tseke.
Hindi na siya nagtagumpay sa pagkakataon na iyon dahil hindi katulad ng car dealership na nauna nang naloko ni Kelley ay sinigurado muna ng tindahan ng Rolex na tunay ang mga tsekeng ipinambabayad sa kanila ni Kelley.
Nang makumpirmang peke ang mga tseke, agad ipinaaresto ng tindahan si Kelley, na nahaharap ngayon sa mga salang grand theft of a motor vehicle at uttering a false bank note.
- Latest