^

Punto Mo

‘Wag na kasing ‘pasaway’, para makabalik na sa normal

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagpasya na si Pangulong Digong, mananatili sa general community quarantine ang Metro Manila base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa ilang lugar naman sa bansa,  mayroong ibinalik sa mas istriktong quarantine tulad ng Cebu City na isinailalim sa enhanced community quarantine, habang sa iba naman ay niluwagan na ng bahagya at tuluyan nang nasa ‘new normal’.

Hindi nga lang nakasama marahil ang Metro Manila na mapairal sa modified GCQ, na mas maluwag pa ng bahagya sa GCQ.

Ito marahil ay dahil sa mataas pa rin ang bilang ng tinatamaan ng COVID  at kailangan pa ang ibayong pag-iingat para hindi na ito tumaas pa.

Bagamat walang nabago sa status  ng quarantine sa Metro Manila, inaabangan naman na madadagdagan pa  mga pampublikong sasakyan na pabibiyahihin sa mga susunod na araw para makatulong sa mga nagbabalik-trabaho na mga manggagawa.

Pinapayagan naman sa GCQ  ang dine-in sa mga restaurant sa 30% capacity na ito nga ay nasusumpungan na sa ngayon.

Kung hindi nga lang siguro matitigas talaga ang ulo ng ilan na ayaw sumunod sa health protocol, eh baka naging modified GCQ na Metro Manila na dito mas may kaluwagan at pabalik na sa new normal.

Pero kasi nga  marami pa rin ang pasaway, simpleng pagsusuot lang ng face mask at physical distancing eh hindi sinusunod .  

Parang sa kanila wala na ang COVID, wala na ang epidemya, ang hindi nila alam baka sila pa ang nagkakalat nito dahil nga sa pagwawalang bahala  sa pinaiiral na health safety measures.

Sana kung hanggang sa kanila lang kapag tinamaan ng COVID, ang masaklap,  yung mahahawahan nila at madadamay at madadamay pa.

Habang hindi umaayos ang mga ito, lalong nagtatagal na malabanan nang husto ang COVID.

Ito ang dapat na tutukan din ng mga kinauukulan, kasi marahil dahil sa bahagyang pagluwag, nawala na rin ang mga nagbabantay o sumisita kaya ang resulta, ang mga pasaway nagkalat na naman at wala talagang pakiaalam.

 

PASAWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with