^

Punto Mo

Babae sa West Virginia na napabalitang nahulog sa bangin, nagtatago lamang pala sa tokador

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa West Virginia na ini-report ng kanyang pamilya na nahulog sa bangin ang nadiskubre ng mga awtoridad na nagtatago lamang pala sa tokador ng kanilang bahay.

Noong isang linggo, nakatanggap ng tawag ang kanilang 911 ukol sa pagkahulog ng 43-anyos na si Julie Wheeler sa bangin na malapit sa isang ilog doon.

Ayon sa asawa ng babae na si Rodney Wheeler at sa 17-anyos nilang anak, nadulas diumano si Julie nang tinangka nitong pulutin ang nahulog na hikaw dahilan upang duma­usdos at mahulog sa bangin.

Tinatayang nasa 1,400 talampakan ang taas ng bangin.

Dosena-dosena ang lumahok sa search and rescue team na naghanap sa katawan ni Julie ng dalawang araw.

Sa huli ay nadiskubre ng mga awtoridad na nasa bahay lang pala si Julie at nagtatago sa isa kanilang mga tokador.

Nahaharap pala si Julie sa 10 taong pagkakakulong kaya tinangka niya at ng kanyang pamilya na palabasin sa mga awtoridad na siya ay nawawala.

Hindi naman umubra ang kanilang plano kaya ngayon ay maaring makulong din ang kanyang asawang si Rodney dahil sa kanilang tangkang panloloko.

 

vuukle comment

WEST VIRGINIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with