^

Punto Mo

Pangit na nakaraan ng mga kilalang tao

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Thomas Jefferson

Ipokrito si Jefferson! ‘Yan ang sigaw ng kanyang mga kritiko. Si Jefferson ay nabiyudo bago pa siya naging presidente ng Amerika. Hindi na siya nag-asawa pero lihim siyang nakipagrelasyon sa isa nilang slave na nagngangalang Sally Hemming.

Noong 18th century, nakaugalian na ng mga mayayamang “whites” na gawing kerida ang magaganda nilang slaves. Itatago nila ang relasyon at pagkatapos ay itatangging anak ang naging bunga ng ikinahihiya nilang pakikipagrelasyon. At ganito ang nangyari kay Jefferson.

Anim daw ang naging anak ni Jefferson kay Sally Hemming habang siya’y nanunungkulang Presidente ng Amerika ngunit ito’y hindi matiyak kung gaano katotoo dahil tigas nga ng pagtanggi si Jefferson. May ginawang DNA testing sa mga anak ay isa sa anak na lalaki ni Sally ay napatunayang anak talaga ni Jefferson.

Ang nakakalungkot, si Sally ay nanatiling slave hanggang sa kanyang kamatayan kahit pa lihim siyang nakipagrelasyon sa pinakamataas at pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa.

Elvis Presley

Isa sa marubdob na pinapangarap ni Elvis ay maging best actor. Pangarap niyang maging next James Dean sa Hollywood. Dahil dito, na-obsess siya kay James Dean. Ang pelikulang Rebel Without A Cause kung saan bida si James Dean at Natalie Wood ay paulit-ulit niyang pinanood. Bunga nito, na-memorize ni Elvis ang lahat ng dayalog ni James sa nabanggit na pelikula.

Ang feeling niya’y hindi sapat ang mga roles na ibinibigay sa kanya para maging mahusay na actor. Naisip niyang makipagkaibigan kay James para ito mismo ang magbigay ng tips sa kanya tungkol sa mahusay na pag-arte. Para matupad ang ilusyong ito, kailangan niyang makipagkaibigan sa mga kaibigan ni James para maging tulay tungo sa kanyang super idol.

Kinaibigan ni Elvis si Nick Adams na matalik na kaibigan ni James Dean at isang closet queen. Sa sobrang obsession ni Elvis na mapalapit kay James Dean, pumayag siyang makipag-sexual relationship  kay Nick Adams. Ang tsismis na ito ay nadagdagan pa nang namatay si Nick Adams. Diumano, nagkaroon din ng sexual relationship si Nick hindi lang kay Elvis kundi pati kay James. Bitin ang kuwento dahil hindi nilinaw ng historian o researcher kung nagkalapit ba sina Elvis Presley at James Dean. Biruin n’yo, nagkandapatol-patol sa bakla si Elvis, mapalapit lang siya sa kanyang idolo.

 

vuukle comment

TAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with