Mga taga-Iceland, pinayuhang yakapin ang mga puno upang labanan ang pangungulila
SA halip na mga mahal sa buhay ay puno ang akapin – ito ang mensahe ng mga forest rangers sa Iceland para sa mga mamamayan nilang nakakaramdam ng pangungulila bunsod ng ipinapatupad na social distancing at quarantine.
Dahil dito ay nilinis na ng mga forest rangers ang mga daan papunta sa mga puno upang maging madali sa mga tao ang pagyakap sa mga ito.
Ayon kay Thor Thorfinnsson, punong tagapamahala ng mga kakahuyan sa silangang Iceland, ay sapat na ang limang minutong pagyakap sa mga puno upang bumuti ang pakiramdam ng pangungulila na nararamdaman ng isang tao.
Gayunpaman, sa kabila ng mabuting maidudulot ng pag-akap sa mga puno ay pinapayuhan pa rin ang mga taong mag-ingat dahil may mga pag-aaral nang isinagawa na nagsasabing kayang mabuhay ng coronavirus ng ilang araw sa kahoy.
- Latest