^

Punto Mo

Supply ng pagkain sa Metro, ‘di kakapusin! – Sinas

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PINAWI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Debold Sinas ang agam-agam ng mga Pinoy na kakapusin ng supply ng pagkain sa Metro Manila kahit tumagal pa ang lockdown dahil sa COVID-19. Sinabi ni Sinas na may nakaumang silang kaukulang paghahanda kung ang pagkain ang pag-uusapan kahit hindi man maalis ang lockdown sa Metro Manila sa Abril 12.

Sa totoo lang, advance mag-isip si Sinas mga kosa dahil sa ngayon pa lang ay mino-monitor na ng NCRPO ang lahat ng warehouse of basic commodities, supermarkets, grocery stores at medical supply o pharmaceutical sa Metro Manila para sa madaliang pag-angkat ng pagkain o gamot sa kasagsagan ng COVID. Sa datos ni NCRPO intelligence chief Col. Remus Medina may 174 na bukas na warehouse ng bigas sa Metro Manila, 399 na supermarkets, 783 na grocery stores at 586 na medical o pharmaceutical stores. Sinabi ni Medina na sapat ang nakaimbak na pagkain at gamot sa naturang mga tindahan at warehouse at hindi dapat mabahala ang taga-Metro Manila na kakapusin sila ng supply kahit ma-extend man ang lockdown.

Kaya sa mga doomsayers diyan, tumahimik na kayo dahil nakadagdag pa kayo sa nerbiyos ng ating kababayan dahil sa kasamaang dulot ng COVID. Araguuyyy! Hak hak hak! Matulog na kayo ng mahimbing mga kosa dahil hindi namamahinga ang gobyerno ni President Digong para pangalagaan ang inyong kapakanan.

Inamin ni Sinas na medyo nagkaroon ng kakulangan sa supply ng pagkain sa Metro Manila sa unang linggo ng lockdown dahil sa kalituhan sa pag-implement ng enhanced community quarantine (ECQ) entry at exit points ng Kamaynilaan, lalo na sa mga kalye. Sa totoo lang, may kabuuang 51 tindahan at warehouse ang nagsara sa unang bugso ng lockdown kaya nakadagdag pa ito sa kalituhan. Subalit sa pangatlong linggo, nagawan nila ito ng paraan kaya normal na ang supply ng pagkain sa mga kababayan natin, lalo na’t nagpamudmod din ng tulong ang gobyerno ni Digong sa mga walang trabaho at na-displaced na workers. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi naman ng negosyanteng si Ricardo Chan na medyo numipis ang supply ng karne ng baboy sa Metro Manila dahil ang mga maliliit na hog raisers ay tinamaan ng African Swine Flu (ASF). Lalong mararamdaman ang pagsikip ng supply dahil tag-init na kaya hindi maganda ang paglaki ng baboy subalit makakabawi sila sa tag-ulan sa Hunyo. Sinabi naman ni kumpareng Boysie na hindi naman apektado ang supply ng manok, at iginiit pa ni kosang Lacio na sapat naman ang dating ng isda sa Navotas.

Ayon naman sa mga meat processors may sapat silang supply mula 45 days hanggang 65 days. Pinatanggal naman ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang hepe ng Joint Task Force COVID-19 Shield, ang mga checkpoint ng mga barangays para matiwasay ang pagdating ng mga gulay galing Cordillera Region sa Metro Manila. O hayan mga kosa, ‘wag n’yo nang isipin na kakapusin tayo ng pagkain dahil kumikilos ang gobyerno ni Digong para hindi tayo magutom. Tumpak! Abangan!

vuukle comment

SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with