^

Punto Mo

Sumunod na lang at ’wag magreklamo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DALAWANG araw nang naisasakatuparan ang community quarantine sa Metro Manila na inumpisahan noong Linggo. Mabilis naramdaman ang puwersa ng otoridad sa mga boundary ng Metro Manila.

Kakatwa ang reaksiyon ng ilan noong ipapatupad pa lamang ito. Bumabagyo na agad ng batikos. Sige ang kiyaw-kiyaw habang ang kinauukulan ay abala sa pagbuo ng mga solusyon para maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Apektado ang buong mundo sa sakit na ito. Maging ang mga malalaking bansa, bumuo na ng guidelines na ipinasusunod sa mamamayan.

Malaking hamon na wala pang vaccine laban sa COVID-19. Ayon mismo sa mga dayuhang eksperto, matatagalan pa dahil sa mga protocol at testing na dapat isagawa. Asahang dadami pa ang maaapektuhan ng virus sa kawalan ng lunas nito.

Kaya ang advise ng World Health Organization (WHO) ay: Practice social distancing, avoid public and crowded places, pagtakip ng bibig kapag umuubo, pagsuot ng face mask, proper hygiene, paggamit ng alcohol at palagiang paghuhugas ng kamay.

Ano ngayon ang kinakiyaw-kiyaw ng ilan kung para sa kapakanan ng publiko ang mga hakbang na ito? Sumunod na muna sa mga pamantayang ito, huwag na munang magreklamo! 

Sabi nga ng pamahalaan, this more of the health issue. Panay nga ang paalala nila, pero pinakikinggan mo lang at pinapalabas sa kabilang taynga.

Ang BITAG walang inaatrasan, walang kinatatakutan. Pero virus na ang pinag-uusapan kaya susunod kami sa lahat ng paalala’t pag-iingat, para kasi ito sa kapakanan ng nakararami.

Sana kayo rin mga boss, ibayong pag-iingat at mahigpit na sundin lamang ang mga paalala ng kinauukulan!

REKLAMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with