Leksiyon sa mga tsismosa
NOONG unang panahon sa Greece, nakaugalian na ni Socrates na maglakad-lakad tuwing umaga sa palengke at iba pang pampublikong lugar. Sa mga ganitong lugar siya nagkakaroon ng pagkakataong makakuwentuhan ang iba’t ibang klase ng mga tao sa kanyang kapaligiran.
Isang araw, nakasalubong niya ang isang kakilalang pulitiko. Pagkatapos magbatian at magkumustahan ay nagsalita ang pulitiko.
“May sasabihin ako sa iyo, tungkol sa kaibigan mong si Agathon”
“Hold on,” sagot ni Socrates. “Bago mo ituloy ang sasabihin mo tungkol sa aking kaibigan na si Agathon, kailangang salain muna natin ang mga bagay na iyan. Unang pagsasala: Sigurado ka ba na ang sasabihin mo sa akin ay totoo?”
“Hindi ako sigurado dahil nabanggit lang ito sa akin ni Ambrocio.”
“So maliwanag na hindi ka siguradong may katotohanan ang ikukuwento mo sana sa akin. Ngayon, tuloy tayo sa ikalawang pagsasala: Iyon bang sasabihin mo sa akin tungkol kay Agathon ay maganda?”
“Ummm, hindi. On the contrary…masama.”
“Ang ikukuwento mo sana akin ay tungkol sa kasamaan ni Agathon pero hindi ka sigurado kung totoo ito. Punta tayo sa ikatlong pagsasala: Ang ibabalita mo ba sa akin tungkol kay Agathon ay magiging kapaki-pakinabang ba sa akin?”
“No…not really”
“Well, sabi ni Socrates sabay buntong-hininga, Kung ang ikukuwento mo sa akin ay tungkol sa kasamaan ng aking kaibigang si Agathon pero hindi ka naman sigurado kung totoo ito at hindi naman pala ito makatutulong sa akin…then, bakit pa natin siya pag-uusapan?”
• • • • • •
Si Socrates ay dakilang Greek philosopher. Isa siya sa nagtatag ng Western philo-sophy at naging guro ni Plato. Si Plato naman ay naging guro ni Aristotle. Si Aristotle ang naging guro ni Alexander the Great.
- Latest