Buti nga
BUTI naman at napatay ng mga awtoridad ang 63 gulang na ‘grandpa’ na pangunahing suspek sa pagpatay at panggagahasa sa isang 10-anyos na babaeng Persons With Disability o PWD, dahil binoga ito ng mga pulis na huhuli sa kanya habang nakalungga sa Brgy. Aldavoc, probinsiya ng Quezon.
Ang suspected killer-rapist ay si Mauro Cargar, biyudo at nakatira sa Bgy. Ilayang Alsam, Tayabas City.
Si Cargar ang inginuso ng mga saksi na siyang dumukot, gumahasa at pumatay sa pamamagitan ng pagsakal at pagbagsak ng bato sa mukha ng biktimang hindi pinangalanan last February 19, 2020.
Matapos ang pagpatay at panggagahasa sa biktima ay nagtago sa Tagkawayan, Quezon si Cargar.
Nakakuha ng tip ang mga autoridad kung saan lugar nagtatago si Cargar kaya agad nilang pinuntahan ang lungga nito pero ng huhulihin ng mga pulis ang suspek ay nakita nilang hahagisan sila ng granada kaya napilitan silang barilin ito hanggang sa mapatay.
Asan ngayon ang suspek?
Kausap daw si Satanas? Hehehe!
• • • • • •
Si Rep. Castro at ang KKDAT
Minamadali ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro na madaliin ng kanyang mga kasamahan sa Kamara ang kanyang House Resolution 737, na imbestigahan ang legalidad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang ginawang dialogues, lectures, at seminars ng Philippine National Police sa mga high schools, na labag sa “safe schools principle” ng DepEd.
“The ‘Kabataan Kontra Droga at Terorismo’ program of the Philippine National Police is said to be in accordance with the campaign against illegal drugs and terrorism of the government but reports from teachers and students who have seen and heard their seminars and lectures described the seminars as nothing but a program that adheres to Executive Order 70 or the Whole-of-Nation approach which built the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC). Their seminars contain vilification, red-tagging and terror tagging of progressive individuals and organizations targeting elementary and high school students. These lectures of the PNP brainwash children and the youth into thinking that activities protected by free speech such as voicing out dissent and critiques to the anti-people policies of the government is wrong and illegal, discouraging them to practice critical thinking,” banat ni Castro.
Banat ni Castro, ginagamit umano ng PNP ang programang ito upang makapasok sila sa mga public schools para sa ‘black propaganda” laban sa mga progressives at opposition at hinihimok daw ang kabataan para maging spies sa PNP.
“They come to schools in uniform and ‘teach’ the children their lies and brainwashing attempts. The move of the PNP to enter public schools is against the government’s mandate to comply with the principle of safe schools especially in elementary and high schools. The Department of Education already has DepEd order 32, series of 2019 or the National Policy Framework on Learners and Schools as Zones of Peace and DepEd order 40, series of 2012 or the Child Protection Policy that reiterates the declaration of schools as ‘zones of peace’ meaning police and military are not allowed to enter the premises of the schools,” dagdag ni Castro. Abangan.
- Latest