^

Punto Mo

Ina

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang panahon na inakit ako ng isang kamag-anak na lumipat sa kanyang relihiyon. Ang pamilya ng aking ina at ama ay pulos Roman Catholic simula pa sa kanilang kanununuan. Ang aking kamag-anak ay inakit ng kanyang ka-live in na lumipat sa relihiyon nito. Palibhasa ay haling na haling noon ito sa kanyang karelasyon kaya madali siyang nagpasiya na palitan ang relihiyon na nakagisnan niya.

Kapag naging miyembro, ang pangunahin niyang misyon ay akitin ang kanyang immediate family na makianib na rin sa relihiyong iyon. At ako ang kanyang inuna. Minsan na akong sumama sa kanyang pagsamba. Masarap ang feeling at malugod nila akong tinanggap.

Bago simulan ang Bible reading, ini-announce ng pastor ang aking presence. Nakakatuwa naman at nagpalakpakan pa sila. Naramdaman ko ang aking importansiya. Ngunit nabigo sila na maakit akong lumipat sa kanilang relihiyon dahil itinatakwil nila si Mama Mary. Nabigyan nga nila ako ng importansiya ngunit ang ina ng Diyos ay hindi. Kaya sorry, Roman Catholic na lang ako for life.

ROMAN CATHOLIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad