^

Punto Mo

Cheap way para bumagal ang pagtanda

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

• Ang pagkain ng 4 cups na cruciferous vegetables araw-araw ay nakakabata ng hitsura ng at least 4 na taon. Ang cruciferous vegetables ay labanos, broccoli, cabbage, mustasa, pechay, cauliflower, singkamas.

• Prunes ang kainin sa oras ng miryenda, mayaman sa fibers, mabilis makabusog pero hindi nakakataba. Ang pagkain ng high fiber diet ay nakakabata ng hitsura ng 3 taon.

 • Laging isama sa diet ang mga pagkaing mayaman sa antioxidants—berries, broccoli, kamatis, red grapes, garlic, spinach, green tea, carrots, soy beans and soy bean products kagaya ng taho, tokwa, etc.

• Gaano ka man kaaabala sa iyong mga trabaho, bigyan ng pagkakataon ang sarili na magpahinga pagkatapos magtanghalian. Ang ganitong stress-reduction technique ay nakakabata ng hitsura ng at least 6 years.

• Sa halip na softdrink o kape, palitan ang inumin ng fresh juice na mayaman sa vitamin C. Nililinis nito ang ugat na daluyan ng dugo. Nakakabata ng hitsura ang pag-inom ng fresh juice ng isang taon.

• Eat like a Greek. Ang dahilan ng kanilang good health ay kanilang kinakain na tinawag na Mediterranean diet. Ang Mediterranean diet ay kinapapalooban ng—Walang limit ang pagkain ng prutas, gulay, patatas, beans, nuts at lahat ng klase ng butil. Olive oil lamang ang kanilang source of fat. Low to moderate lamang ang pagkain nila ng mga sumusunod—Isda at poultry meat (twice per week), alak (1 to 2 glasses a day), itlog (zero or 4 times a week), at dairy products kagaya ng cheese at yogurt. Prutas lamang ang gagawing dessert at honey ang gamiting pampatamis sa inumin. Sa Mediterranean diet, hindi ka lang magmumukhang 12 years younger kundi maiiwasan din ng 58 percent ang tsansang magkaroon ng pancreatic cancer.

 

CHEAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with