^

Punto Mo

Pinakamahal na aso naibenta ng $2-M sa China!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso sa China ang naibenta ng $2 milyon sa probinsiya ng Zhejiang, China. Dahil sa laki ng presyo, sinasabing ang aso ang pinakamahal na naibenta sa kasaysayan.

Ang bentahan ay naganap sa isang “luxury pet fair” sa nabanggit na probinsiya. Ang pet fair ay isang pagtitipon ng mga mayayamang mahilig sa mga kakaibang alagang hayop. Isang negosyante na nagbebenta ng lupa ang nakabili sa aso na may lahing Tibetan Mastiff.

May kamahalan ang Tibetan Mastiff dahil sinasabing may dugong leon ang mga ito. Mayroon itong makapal na balahibo sa paligid ng ulo. Malalaki at mababangis din daw ang mga ito. Dahil sa matikas na itsura ng Tibetan Mastiff kaya mabenta ito sa mga mayayaman at makapangyarihan sa China. Ito rin ang dahilan kaya lumobo ang presyo sa merkado.

Ayon naman sa nagpalaki ng naibentang aso, mahal itong ibenta dahil bihira lamang ang mga asong may lahing Tibetan Mastiff. Ikinumpara niya ang Tibetan Mastiff sa mga panda.

Hindi ito ang unang beses na may naiulat na bentahan ng mamahaling aso. Noong 2011, isang aso ang naibenta sa halagang $1 milyon. Sinundo pa ng limousine ang aso (tuta pa lamang) upang ihatid sa mayamang nakabili.

TIBETAN MASTIFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with