^

Punto Mo

Mapagsamantalang taxi drivers, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pinaigting na ng mga tauhan ng LTFRB ang kampanya laban sa mga nananamantalang mga taxi drivers.

In demand naman kasi sila ngayon,  lalu na’t  talagang papalapit na ang holiday seasons, kaya ayun sila ngayon ang nagpapakipot.  Tumatanggi sa mga pasahero, nangongontrata o naniningil nang sobra-sobra sa nakalagay sa metro.

Naku sana, wag ngayon lang ang pagtiktik sa mga ito.

Sana kahit anong panahon, dahil nahirati na yata sila sa ganito. 
Marami talaga dyan abuso, dahil kailangan  sila ng marami nating kababayan, sumosobra naman.

Hindi na lang maghintay na bigyan sila ng tip lalu na nga’t nasiyahan ang kanilang mga pasahero sa maayos nilang serbisyo.

Ang marami ganito, hindi pa halos nakakaupo ang sakay, hihirit na agad ng dagdag.

Idadahilan pa ang matinding trapik. Ok lang naman dahil maraming mga pasahero ang nakakaunawa rito, pero ang masaklap hindi na makapaghintay sa pagkukusa ng sakay nagdidikta o nagtatakda pa kung magkano ang kailangang idagdag sa kanilang bayad.

O hindi ba, ang kapalan na lang  ng mukha!

May ilan naman na talagang walang awa, kahit nakikita nang hirap na hirap sumakay ang ating mga kababayan, lalo na ‘yung may dalang mga maliliit na anak at sangkaterba ang bitbit, ah wala pa ring paki o dedma sila kung ‘di rin lang sila kikita ng malaki.

Nagbabala ang LTFRB, sa mga mahuhuli sa ganitong mga aktibidad ay nahaharap sa kaso at multang P5,000.

Dapat makitang may nasasampolan sa mga ito, para madala at hindi na gayahin ng iba pa.

Dapat ding masilip ng LTFRB ang ibang ride hailing services na sinasabing grabe rin ang sinisingil sa kanilang mga kostumer.
Mistulang wala na lang magawa ang mga mananakay kaya sila kumakagat sa dikta ng mga mga ito na dapat din namang masilip ng mga kinauukulan para ‘di maabuso ang ating mga  kababayan.

TAXI DRIVERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with