Ano ang holiday blues?
HOLIDAY blues ay ‘yung pakiramdam na nalulungkot, depression, at pagkabahala sa panahon ng holiday na tulad ng kapaskuhan. Maaaring ito ay dahil nawalan ng mahal sa buhay ang isang tao o nagkahiwalay sila ng kanyang kasintahan o asawa, o walang pera sa panahong halos lahat ng tao ay nagkakasayahan at nagkakatuwaan sa mga okasyong ito.
Nagbabala kamakailan si kay Frances Prescilla Cuevas, chief health program officer ng National Mental Health Program ng Department of Health, na ang mga espesyal na okasyong tulad ng Pasko ay maaaring magbunsod ng pansamantalang pagkabahala o kalungkutan lalo na sa mga merong mga mental condition na tulad ng depression.
Dapat aniyang maalalayan at masuportahan ang mga nakakadama ng holiday blues para maiwasan ang mas seryosong kumplikasyon tulad ng pagpapakamatay. Meron umanong mga report na marami ang nagpapakamatay kapag kapaskuhan. Maaari itong iwasan kung merong malakas na sistema ng suporta ng mga pamilya at kaibigan.
“Dapat makapagdiwang ka ng Pasko. Kailangang realistiko ka sa magagawa mo at hindi mo magagawa. Huwag pahirapan ang sarili sa mga inaasahan,” sabi ni Cuevas na nagdagdag na dapat matukoy ng mga tao kung ang isa nilang kaanak o kakilala ay merong depression para maayudahan ito. Kabilang halimbawa sa sintomas ng holiday blues ang pakiramdam na mas napakahirap kaysa normal ang mga normal na gawain tulad ng pagtulog, kumain, at maglakad, mabilis mapagod, nawawalan ng interes sa bagay na dating kinagigiliwan, at hindi makapag-“concentrate”.
Ipinapayo naman ng Healthline na, para makaiwas sa holiday blues, limitahan ang pag-inom ng alak sa bahay man o sa mga parties (kung hindi maiiwasan). Makakasama sa mood at magpapalakas sa negatibong damdamin ang kalasingan; Matulog nang sapat
Maging bukas sa bagong tradisyon. Maaaring meron kang sariling pananaw sa holiday at hindi ito aktuwal na nangyayari. Sa halip na manindigan sa holiday na gusto mo, hayaang bumukas ang bagong tradisyon. Kung nawalan ka ng mahay sa buhay, kahit pa nakakatuksong mapag-isa at magluksa, mas kapakipakinabang na maglaan ng oras sa mga kaibigan at pamilya. Masusuportahan ka nila sa napakahirap na panahong ito.
Sa halip na mag-holiday mag-isa sa bahay, imbitahan sa salu-salo ang mga kaibigan o pamilya. Mas marami, mas masaya. Laging mag-ehersisyo, abalahin ang sarili, at huwag masyadong magpakabusog. Bago pumunta sa isang handaan o kainan, tumikim ng ilang pagkain lalo na ng gulay o magbaon ng sandwich halimbawa para makain habang bumibiyahe. Nagbubunsod ng overeating ang holiday outing na makakasama sa iyong mood at overall well-being.
Email: [email protected]
- Latest