^

Punto Mo

EDITORYAL – Single-use plastics ibabawal na sa QC

Pang-masa
EDITORYAL – Single-use plastics ibabawal na sa QC

WALA pang lungsod sa Metro Manila na nagbabawal sa single-use plastics. Kaya naman patuloy ang problema sa basurang plastics. Ito ang dahilan kaya may pagbaha. Bumabara ang mga plastics sa daluyan ng tubig. Hindi nabubulok ang mga ito kaya forever ang problema. Kahit na sundutin nang sundutin ng MMDA ang mga imburnal, wa-epek sapagkat patuloy ang paggamit ng single-use plastics.

Pero sa susunod na taon, bawal na sa Quezon City ang single-use plastics. Sabi ni QC Mayor Joy Belmonte, mahigpit nang ipagbabawal ang paggamit ng utensils na gawa sa plastic at maging ang plastic bags. Ayon kay Belmonte, dalawang ordinansa ang ipinasa noong nakaraang Oktubre na nagbabawal sa single-use plastics. Magsisimula ang ban sa Pebrero 2020.

Napakamakabuluhan ang hakbang na ito ni Belmonte. Dito magsisimula ang paglaya ng lungsod sa paggamit ng plastic na banta sa pagkasira ng kapaligiran. Nararapat gayahin ng iba pang lungsod ang sisimulang pakikipaglaban ng QC sa single-use plastics.

Karaniwang sachets ng shampoo, hair conditioner, 3 in 1 coffee, catsup, toothpaste at kasama rin ang mga plastic straws na ginagamit sa softdrinks, milktea at iba pa ang makikitang iniwan ng baha. Namulaklak din ang sachets sa mga estero at kanal. Kahit abutin ng 10 taon ay hindi mabubulok o masisira ang mga plastic sachets. Mas matibay ang mga sachets kaysa karaniwang plastic bag. Ayon sa environmental groups tinatayang 59.7 bilyong sachets ang umaapaw sa mga estero sa Metro Manila. Malulunod ang mga residente sa basurang plastic sachets.

Hindi lamang pagbaha ang dulot ng mga basurang plastic kundi banta rin sa buhay ng mga lamandagat. Dahil sa maling pagtatapon ng basu-rang plastic, humahantong sa dagat at nakakain ng mga balyena.

Magkaroon ng ordinansa ang bawat lungsod na nagbabawal sa plastic. Sundan ang QC sa kanilang hakbang. Dito magsisimula ang paglaya sa plastics.

PLASTICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with