Magkaisa at suportahan ang SEA Games, bow
HINDI totoo na pinabayaan ng Century Park Sheraton Hotel ang mga manlalaro nag-check-in sa kanila dahil 2pm ang standard check in time.
Napaaga ang dating ng mga atleta., 8:30am ay nabigyan na ng rooms ang ibang mga manlalaro at ang iba naman ay inistima sa holding area at doon binigyan ng tsibug.
Sa nakaraang dalawang araw, sa buong 77 arrivals ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa, nagkaroon man ng problema ang ibang delegado, hindi naman ibig sabihin na palpak na ang buong paghahanda sa SEA Games.
Tama!
Hindi biro ang maghost ng mga malakihang international sports events at sinumang eksperto ang tanungin ay sasabihing normal ang mga ganitong pangyayari at hindi naiiwasan ang mga aberyang ganito.
Para sa madlang Pinoy dapat tayong magkaisa para suportahan ang ating mga atleta na sasabak sa palaro next week.
Huwag nating kalimutan na dangal ng ating bayan ang dadalhin ng bawat atletang Pinoy sa kanilang pagsabak sa palaro upang maibulsa ang overall champion na karangalan sa SEA Games.
Ang pagdaraos ng 30th SEA games ay karangalan ng Philippines my Philippines. Sana huwag na nating palakihin ang mga maliliit na bagay kagaya ng mga reklamo sa paulit-ulit na pagkain at kung ilang bote ng tubig ang dapat na ibigay sa mga atleta sa loob ng isang araw.
Sabi nga, solved na ang problema!
Nasosolusyunan ng mabilis ang ganitong mga problema.
Ika nga, We Win As One!
• • • • • •
Trust and Confidence
HINDI pa halos nag-iinit ang puwitan ni VP Leni sa tronong ipinahawak sa kanya ni Boss Digong, bilang co-chair ng Inter - Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o iyak este mali ICAD pala ay sinipa na ito ng huli.
Sayang !
Bakit naman ?
Ang gusto lang ni Boss Digong ay para magkasundo at magka-isa ang kanyang administration at opposition sa kampanya laban sa droga.
Sayang at hindi nagkasundo para magka-isa ang dalawang panig !
Ano kaya ang pinag-ugatan ng problema ?
Naramdaman ni Boss Digong ang matitindi patutsada sa gibierno niya ni VP Leni .
Maraming gustong gawin si VP Leni nasa pakiramdam ng administrasyon ay yayariin sila lalo na sa internstional community.
Gusto ni VP Leni na kaljalin ang police data para lumabas na ang extra judicial killings na nangyari ay kagagawan ng estado ,
Naku ha !
Ano ba ito ?
Lumabas ang mga bali-balita na walang tiwala si Boss Digong kay VP Leni kaya hindi siya ikinasa sa Palasyo bilang cabinet member.
Patay !
Napanganga pa ang Malacanang ng humarap sa mga opisyal ng United Nations at United State Embassy si VP Leni at pulungin sila tungkol sa isyu ng war on drugs.
Ikinadismaya ni Boss Digong ang ginawa ni VP Leni sa pakikipag-tsikahan sa mga foreign individuals at organization na kritiko pa mismo ng drug war.
Ano ba naman ‘yan VP Leni ?
Duda si Boss Digong na sinisiraan ni VP Leni ang Philippines my Philippines sa international community at parang nilalaglag nito ang pagsisikap ng gobierno para ipreserba ang general welfare ng madlang people.
Last November 5, itibalaga ni Boss Digong si VP Leni ss ICAD.
Kambiyo issue, alam na daw ng opposition ang istilo ni Boss Digong sa ginawang pagsibak kay VP Leni.
Ano sa palagay ninyo ang dapat ?
Abangan.
- Latest