^

Punto Mo

Funny Quotes

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 2)

…mula sa dating Presidente ng Zimbabwe, Robert Mugabe

Paano ninyo makukumbinsi ang mga kabataan na ang edukasyon ay susi sa tagumpay kung napapaligiran tayo ng mahihirap at jobless na graduates at mayayamang kriminal?

Kung naging Chinese sina Eva at Adan sana ay walang magiging kontrabida sa paraiso dahil ahas muna ang kakainin nila bago ang mansanas.

May katotohanan na kahit minamahal ka ng iyong asawa ay maaari ka pa rin pagtaksilan. Tingnan mo ang Diyos, minamahal mo siya pero gumagawa ka pa rin ng kasalanang ikakalungkot niya.

Mas mabuti pang nasa bar ka at painum-inom habang iniisip mo ang Diyos kaysa nasa loob ka ng simbahan pero ang nasa isip mo ay kung ilang bote ng beer ang iyong tutunggain pag-uwi sa bahay.

 Ang paghalik sa iyo ng isang tao ay hindi pruweba na mahal ka niya. Tingnan mo ang nangyari matapos na halikan ni Judas si Jesus.

Hindi na importante kung mas maganda ka, mas matino, or mas maganda ang family background, kumpara sa kasalukuyang ‘girl’ ng iyong ex-boyfriend. Naroon pa rin ang masakit na katotohanang ipinagpalit ka na niya sa mas mababa sa iyo.

Noon : Pinakain ni Hesus ang nagugutom na mahihirap. Ngayon: Pinayayaman ng nagugutom na mahihirap ang mga self-proclaimed Prophet (tagaturo at tagakalat ng salita ng Diyos) na nagtatayo ng sariling relihiyon.

ROBERT MUGABE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with