^

Punto Mo

Funny quotes ni Zimbabwe ex-President Robert Mugabe

DIKLAP - Pang-masa

Kung ang isang tao ay pangit, talagang pangit iyan. Anong inner beauty ang pinagsasasabi mo? Kapag tayo ay naglalakad sa kalye, may nagbibitbit ba ng x-ray machine para makita ang sinasabi mong inner beauty?

Huwag maging burara sa paggamit ng iyong tuwalya. Ang parte ng tuwalya na ipinangpunas mo ngayon sa iyong puwet ay paniguradong ipangpupunas mo bukas sa iyong mukha.

Bakit mas inuubos ng lalaki ang kanyang pera sa kanyang girlfriend pero di man lang maabutan ng pera ang sariling ina. Hindi mo ba naiisip na: Witchcraft is real!

Kung gusto ni President Obama na payagan ko ang same sex marriage dito sa aking bansa, pumunta siya dito sa Zimbabwe para kaming dalawa ang maunang ikasal.

Ang sigarilyo ay isang kurot na tabako, ibinalot sa kapirasong papel, na may sindi sa isang dulo, habang ang isang dulo ay nakasubo sa bunganga ng gago.

Bago mangyari ang forced resignation ni Mugabe noong 2017, siya ay ininterbyu ng media. Interviewer: Mr. President, kailan ka magpapaalam sa mga tao? Mugabe: Bakit saan sila pupunta?

Mas pipiliin ng African girl ang lalaki na may six cars kaysa guwapong may six-pack abs. Kaya tigilan na ang kaka-gym at magtrabaho na kayo, uy!

Ang racism ay hindi matatapos hangga’t ang white cars ay gumagamit ng black tires; hangga’t patuloy na paniniwalaan na ang black color ay bad luck at ang white ay para sa kapayapaan; hangga’t ang white clothes ay isinusuot sa kasalan habang ang black clothes ay sa pakikipaglibing; hangga’t tinatawag na blacklisted ang hindi makabayad ng kanilang bills sa halip na ‘whitelisted’. Pero wala akong pakialam sa lahat ng iyan…hangga’t  white tissue paper ang ipinangpupunas ko sa aking puwet, okey lang ako.

ROBERT MUGABE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with