^

Punto Mo

May aral sa alak!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

LUMA na ang kasabihang “basta may alak, may balak!”. Ang uso ngayon, “may mapapalang aral sa alak.”

Dalawang binata, dumating sa BITAG Action Center mula pa sa Lucena City, inirereklamo ang pambubugbog at pagkulong daw sa kanila ng tatlong pulis.

Kuwento nila sa akin, habang binubugbog daw sila ng mga lespu sa labas ng beerhouse na kanilang pinag-inuman, pinagkukuha raw ang kanilang mga pera’t cell phone.

Matapos ang bugbugan, dinala pa raw sila sa presinto at ikinulong. Hindi pa raw doon natapos ang pang-aabuso ng mga pulis, kinasuhan sila ng illegal possession of deadly weapons kahit wala silang dalang anumang patalim noong mga oras na iyon.

Gusto kong paniwalaan ang sumbong ng dalawa dahil hindi ko itinatanggi na talagang may mga ganitong klase ng pang-aabuso. Ilan na ang nasampulan namin noon at napatanggal sa serbisyo.

Subalit iba ang nakikita ko sa mata ng dalawang nagrereklamo. Ipinaliwanag ko, hindi sila maaaring basta napagtripan lang.

Maaaring sa loob pa lang ng beerhouse ay nagpakitang gilas na sila kaya’t may nakapansin at nagreklamo kaya’t rumesponde ang mga pulis noong mga oras na iyon.

Umamin naman ang dalawa na dumayo sila sa beerhouse na nasa kalapit-bayan. Bagong suweldo raw kasi sila kaya’t nagkayayaang mag-good time.

Nakinita ko na, maaaring lingid sa kaalaman ng dalawa ay sumobra ang kanilang kabibohan habang nag-iinuman. At dahil kapwa estranghero sa lugar, inireport at hinarap ng mga pulis. 

Inaalala ng dalawa ang kasong isinampa sa kanila ng mga pulis. Hindi naman daw sila hinarap sa piskal, hindi rin sila dinitine ng higit sa 36 oras, sa katunayan ay pinalaya rin sila – lahat walang bearing.

Nagets n’yo mga Boss? Tinuruan ng magandang aral ang dalawang binata. Pinayuhan ko na lang ang dalawa na iwas-iwasan na ang pangdadayo ng mga beerhouse dahil sakit lang ng ulo ang dulot nito.

Sa totoo lang, samu’t sari ang gulong maaring maengkuwentro lalo na kung estranghero sa lugar. Siguradong gusot ang aabutin kung hindi makokontrol ang sarili kapag may espiritu na ng alak.

BITAG ACTION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with