^

Punto Mo

EDITORYAL - Magdaos ng regular earthquake drill

Pang-masa
EDITORYAL - Magdaos ng regular earthquake drill

KULANG sa earthquake drill kaya walang sapat na kahandaan ang mga tao sa lalawigan sa pagtama ng lindol. Ito ang nakita nang tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao noong Miyerkules ng gabi na ikinamatay ng 5 tao. Ang sentro ng lindol ay nakita sa silangan ng Tulunan, North Cotabato. Grabeng tinamaan ang Kidapawan City at M’lang. Naramdaman din ang lindol sa Davao region, Central Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region. Nasunog naman ang isang mall sa Gen. Santos City makaraan ang lindol.

Nakita sa mga kuha ng CCTV ang pagpapanic ng mga tao habang bumababa sa isang mall at maging sa ospital at mga gusali. Karamihan sa kanila ay hindi alam ang gagawin. Nakita na walang preparasyon sa pagtama ng lindol kaya marami ang nahintakutan.

Ganito rin ang nangyari nang lumindol noong nakaraang Abril (magnitude 6.1) sa Porac, Pampanga na ikinamatay ng 11 katao. Isang supermarket ang naguho roon. Nakita rin ang pagpa-panic ng mga tao roon. Marami ang hindi malaman kung saan susuling at halos hindi alam kung saan ang Exit. Nagpapakita na walang kahandaan ang mga tao sa pagtama ng lindol. At ang resulta, ang mga namatay ay hindi sa pagyanig namatay kundi nabagsakan at natabunan ng gumuhong istruktura.

Ang lindol na tumama sa Itbayat, Batanes noong nakaraang Hulyo na ikinamatay ng siyam katao ay nagpakita rin na walang kahandaan ang mga tao. Maraming nagpanic at hindi malaman ang gagawin.

Karaniwang tumatama ang malalakas na lindol sa lalawigan ngayon. Ang nangyayaring ito ay paalala sa  local government units (LGUs) na magdaos din ng regular  na earthquake drill sa kanilang nasasakupan para maihanda ang mga mamamayan sa pagtama ng lindol.

Kung alam ng mga residente ang gagawin gaya ng duck, cover and hold, makaiiwas sila sa panganib. Karaniwang ang ginagawa ng mga tao kapag lumilindol ay nagtatakbuhan at nag-uunahan na makalabas sa gusali o bahay. At dito nagkakaroon ng stampede kaya may namamatay.

Mayroon din namang nababagsakan ng kisame, salamin at haligi sapagkat hindi na sila tumitingin sa paligid nila dahil sa pagkataranta. Dapat ding malaman na kapag may lindol ay huwag gagamit ng elevator sapagkat maaaring ma-trap doon kapag naguho ang gusali.

Mahalaga ang earthquake drill kaya dapat magsagawa nito hindi lamang sa Metro Manila kundi sa lahat nang lugar sa buong bansa. Kailangang preparado para maiwasan ang pagpa-panic.

EARTHQUAKE DRILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with