May potensiyal ba siyang maging drug addict?
MALAKI ang tsansang maging drug addict ang bata kung:
Siya ay malungkutin, mahilig mag-isa at frustrated.
Siya at ang magulang niya ay kulang sa komunikasyon, partikular ang anak na lalaki sa kanyang ama.
Ang kanyang mga magulang ay kahiya-hiya ang pinaggagagawa sa buhay.
Siya at kanyang magulang ay kulang sa self-esteem.
Matakaw sa alak ang isa o pareho niyang magulang.
Hayagang ipinadadama ng magulang na nire-reject niya ang anak.
Walang tiwala ang magulang sa kakayahan ng kanilang anak.
Sobrang stereotyped ang paniwala ng pamilya tungkol sa role na babae at lalaki. Halimbawa, may paniwala sila na ang ganito o ganireng propesyon ay para lang sa mga lalaki. Kahit gustong-gusto ng anak na babae na kumuha ng isang kurso ay hindi siya papayagan dahil angkop lang sa mga lalaki ang kursong napili.
Magulo ang pamamalakad ng mga magulang sa buong pamilya.
Sobrang dominante ang mga magulang sa kanilang anak. Halos sila na ang kumokontrol sa buhay ng mga ito.
Ang magulang ay sobrang higpit o sobrang maluwag sa anak.
Laging may isyung pinag-aawayan ang kanyang mga magulang.
Source: Nina Lim-Yuson, Ph. D. Building Bridges
(Learning and Growing Up With Your Kids). Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2000, p.194
- Latest