^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi na dapat bigyan ng posisyon si Faeldon

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi na dapat bigyan ng posisyon si Faeldon

SA himig ng pananalita ni President Duterte, posible pa niyang ilagay sa ibang posisyon ang sinibak na Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon. Sa talumpati ng Presidente noong Biyernes sa ground breaking ng housing project sa Cebu City, sinabi niyang naniniwala pa rin siya kay Faeldon. Pinuri niya ito nang masabat ang mga pekeng sigarilyo at stamps noong 2017 nang ito pa ang hepe ng Customs. Marami umanong nagawa si Faeldon.

Sinibak ni Duterte si Faeldon noong Miyerkules dahil sa isyu ng GCTA kung saan nasa 1,700 bilanggo na karamihan ay may heinous crimes ang napalaya. Isa sa mga nakatakda sanang lumaya sa ilalim ng GCTA ay si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Lalaya sana ito noong Agosto 20 subalit pinigil ni Duterte. Hindi kuwalipikado si Sanchez na may pitong habambuhay na pagkabilanggo dahil sa panggagahasa at pagpatay. Karumal-dumal ang kanyang nagawa. Nakadagdag din sa hindi niya pagkakuwalipika ay nang mahulihan siya ng shabu at marijuana sa selda noong 2006.

Hindi sinunod ni Faeldon ang Presidente na may kaugnayan sa pagpapalaya sa pamamagitan ng GCTA. Ayon sa Presidente, sinabihan na niya si Faeldon na huwag palayain ang mga bilanggo pero nagpatuloy pa umano ito sa ginagawa. Nakaamoy umano siya ng corruption sa BuCor.

Una nang sinabi ng Presidente na hindi na raw niya ilalagay sa anumang posisyon si Faeldon. Nararapat lang na huwag na siyang bigyan ng posisyon. Tama na ang mga nagawa niyang bahid sa administrasyon. Oo nga’t may nagawang tulong sa kanya ang dating BuCor chief noong nangangampanya pa lang pero ang pagtanaw ng utang loob ay may katapusan. Hindi na dapat sa pagkakataong para bigyan pa ng posisyon ang nakagawa ng kamalian.

vuukle comment

FAELDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with