^

Punto Mo

PNP official na sangkot sa STL, kilala ni Gen. Sermonia?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAKATAKDANG magsimula ngayon araw na ito ang Small Town Lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit hindi happy ang mga opisyales ng pulis dahil sa warning ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na parurusahan sila kapag nakipag-ugnayan sa STL. Open secret naman mga kosa na nakasuso ang mga PNP officials sa STL kaya nasa tamang landas lang si Albayalde, ‘di ba mga kosa? Wala pang report ang Directorate for Intelligence (DI) at Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) kung sinu-sino sa PNP officials ang sangkot sa STL subalit alam na ng mga kosa ko sa Camp Crame kung sino ang pinapatamaan ni Albayalde. Araguuyyy! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Kung sabagay, alam din ni PCSO chairwoman Royina Garma kung sino ang PNP official na ito na tinutukoy ni Albayalde dahil nagka-krus ang landas nila noong City director pa ang una ng Cebu City. Araguuyyy! Gusto n’yo ng clue mga kosa? Hak hak hak! Ang tinutukoy ni Albayalde na police official ay palaging binabanggit ang pangalan ni dating PNP chief at ngayon ay senador Bato de la Rosa.
Iginiit ni Albayalde na hindi kailangang masangkot sa STL ang mga pulis dahil sa conflict of interest ito dahil sila ang nagpapatupad ng batas. Inamin naman ni Albayalde na noon pang panahon ni Bato, kaklase niya sa PMA Class ‘86, na-monitor itong police officials na kasama sa miting ng mga kabo at kubrador ng STL operation ng isang alyas Prosy. Kaya kilala ni Garma ang police official dahil nag-lobby din ito sa STL ni Prosy sa Cebu City at Bohol. Binanggit pa ni Albayalde ang Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela kaya’t tukoy na ng mga kosa ko sa Camp Crame kung sino s’ya. Di ba inakusahan pa ni ousted Cebu City Mayor Tomas Osmeña si Garma na nasa likod ng STL sa Bohol noong kasagsagan ng away nila? Araguuyyy! Hak hak hak! Baka kilala ni Brig. Gen. Rodel Sermonia, ang hepe ng Police Civil Relations Group ang police official na tinutukoy ni Albayalde. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?
Itong police official kasi mga kosa ay gumagapang para palitan si Brig. Gen. Edward Carranza, ang hepe ng Calabarzon police. ‘Ika nga marami din siyang padrino na mga pulitiko. Eh si Carranza ay miyembro din ng «never heard before» but ruling class sa ngayon na PMA CLass ‘86 kaya alam n’yo na siguro mga kosa kung bakit mainit ang ulo ng kanyang superiors sa kanya. Araguuyyy! Hak hak hak! Uwian na, may nanalo na! 
Pabubuksan ang STL matapos pirmahan ang implementing rules and regulations (IRR) nito sa pagbalik ni President Digong sa bansa galing sa China. Teka nga pala! Makapagbukas pa kaya ang STL ni Don Ramon Preza na Golden Platinum Gaming Online Inc. sa Quezon City? Kasi nga mga kosa, nahulihan ni NCRPO chief director Maj. Gen. Guillermo Eleazar ng limang kubrador ang STL ni Preza matapos ipasara ni Digong ang STL, PNB Keno at Lotto noong Hulyo. Araguuyyy! Hak hak hak! Dapat ‘wag nang payagan nina Garma, Albayalde at Eleazar ang STL ni Don Ramon, pati na ang operation niya sa Laguna dahil sa pagsuway sa kautusan ni Digong. Tumpak! Abangan!

SERMONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with