^

Punto Mo

Sugar Mommy (129)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINASYA ni Jericho na mamasyal muna sa mga tindahan ng alahas na nasa ground floor ng Batha Hotel. Bakasakaling mawala ang kanyang pagkadismaya o pagkainis sa nangyaring “pagkabitin” niya kay Nadine.

Baka mayroon siyang magustuhang kuwintas at hikaw na ginto ay ibibili niya ang kanyang mama at kapatid na babae. Ibibili rin niya ng kuwintas ang kanyang papa. Ilang buwan na lang ay magbabakasyon na siya sa Pinas kaya puwede na siyang bumili ng pasalubong.

Bigla niyang naalala ang kanyang Ninong Nick na may-ari ng talyer na pinagtrabahuhan niya. Ibibili niya ito ng kuwintas – yung mataba na kuwintas para matuwa. Tiyak na magugulat ang kanyang ninong kapag pinasalubungan niya.

Sale ang ginto sa mga alahasan. Tamang-tama!

Pumili si Jericho ng alahas para sa kanyang mama at ka-patid na babae. Nang makapili para sa mga ito, ang para naman sa kanyang papa ang hinanap niya. Kuwintas na rin ang binili niya para sa kanyang papa na katulad ng kay Ninong Nick. Bina­yaran niya. Malaki ang kamurahan. Talagang nagmumura ang ginto kapag malapit na ang pagtatapos ng Ramadan. Siguro ay magmumura pagkatapos ng Holy Month.

Nang bigla niyang maalala si Jane. Dapat ibili rin niya ito. Kahit ba nasa Australia na ito ay dapat mayroon siyang regalo. Baka biglang magbakasyon at magkita sila. Isang kuwintas na may palawit na korteng puso ang binili niya.

Saka bigla niyang naalala si Nadine. Kung wala sana silang tampuhan ni Nadine, baka ibinili rin niya ng kuwintas. Paano naman siya masisiyahan kung hindi niya maunawaan ang kinikilos ni Nadine. Saka na lang niya regaluhan.

 

NAGPASYA si Jericho na hindi na muna niya dadalawin si Nadine. Gaya nang una niyang ginawa rito na mahigit isang buwan niyang tiniis na hindi makita. Kailangang magkaroon ng aral si Nadine. Bakasakaling magbago ito kung hindi muna niya dadalawin sa villa nito.

Kung noon ay natiis niyang hindi ito makita, makakaya rin niya ngayon. Kailangang magkaroon siya ng paninindigan.

Pero hindi makatiis si Jericho. Kahit pinangako sa sarili na hindi dadalawin si Nadine, sinira niya ang pa-ngako. Paano’y lagi niyang naaalala ang mga “ginawa” nila ni Nadine. Naaalala niya ang paghalik dito na nala-langhap niya ang mabangong hininga at siyempre ang paglalaro ng kanyang palad sa loob ng shirt at jeans nito.

Dinalaw niya isang Biyernes si Nadine. Mga alas otso pa lang ay nasa villa na siya na tinutuluyan ni Nadine.

Subalit nagimbal siya sa sinabi ng kasamahang babae ni Nadine: Nasa Pinas na raw ito!

(Itutuloy)

vuukle comment

BATHA HOTEL

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with