^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Lifestyle check’ sa Cabinet members

Pang-masa
EDITORYAL - ‘Lifestyle check’ sa Cabinet members

DALAWANG Cabinet members ang isinasailalim umano sa lifestyle check ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa isyu ng corruption. Ganunman, hindi pinangalanan ang dalawang Cabinet members. Ayon sa PACC, seryoso sila sa kampanya laban sa korapsiyon sa pamahalaan kaya hinihikayat nila ang mga miyembro ng Gabinete na magpasailalim sa lifestyle check. Sinusunod lamang umano nila ang direktiba ni President Duterte na durugin ang corruption  sa pamahalaan. Hindi umano sila titigil hangga’t may mga corrupt sa pamahalaan. Patuloy na mag-iimbestiga ang PACC.

Maganda ang layunin ng PACC at sana magkaroon nang magandang bunga ang kanilang masinsinang kampanya laban sa mga corrupt sa pamahalaan. Ang ginagawa nilang lifestyle check sa mismong Cabinet members ay isang malinaw na wala silang kinatatakutan at handang ipatupad ang kautusan ni President Duterte.

Sa simula pa lang ng panunungkulan ni Duterte, nagbabala na siya na mayroon lang siyang malanghap na corruption sa isang tanggapan, sisibakin agad niya sa puwesto. Hindi siya mangingiming alisin agad ang mga sangkot sa katiwalian.

Matutuwa naman ang mamamayan kung ipupursigi ng PACC ang pag-lifestyle check sa mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Bureau of Customs (BOC). Ang PCSO at BOC ay pinaniniwalaang pinamamahayan ng mga “gutom na buwaya”.

Kamakailan, ipinatigil ng Presidente ang operas­yon ng PCSO dahil sa malawakang korapsiyon. Nahinto ang lotto draw at ganundin ang iba pang game na inooperate ng PCSO. Makalipas ang apat na araw, ibinalik din ang lotto. Sana malaman ng taumbayan ang mga corrupt sa PCSO. Ihayag sana ito ng PACC.

Marami ring “buwaya” sa BOC at kailangang unahin ng PACC ang paghalungkat sa yaman ng mga opisyal at empleado rito. Kamakailan, 60 BOC officials ang sinibak ni Duterte.

Marami ang masisiyahan kung maibubulgar ng PACC ang mga corrupt sa pamahalaan. Ang mga corrupt na ito ang dahilan kaya naghihirap ang bansa.

LIFESTYLE CHECK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with