Police precinct, barangay outpost sa clearing ops!
Hindi lang pala mga barangay outpost ang apektado sa isinasagawang serye ng clearing operation partikular sa Metro Manila sa mga istraktura na natayo sa mga bangketa at center islands.
Kasama rin dito ang nasa 36 pa na police precinct at community police assistance centers (COMPAC) ang itinuturing na obstruction dahil nakatayo sa sidewalks at center islands.
Ilan dito ang pinag-aaralan pa kung tuluyang gigibain din o pananatilihin muna dahil malaki ang nagagawa nito sa pagpapanatli sa peace and order sa kanilang lugar.
Una nang dinemolis ang isang police precinct sa San Juan at kahapon sa Malabon isa na namang COMPAC ang giniba rin.
Hinahanapan na umano ng lugar kung saan ililipat ang mga ito.
Binuo ang mga police community precinct at ang COMPAC sa layuning mailapit ang kapulisan sa komunidad.
Bukod dito ay para mabilis ding makatugon sa pangangailangan ng publiko lalu na sa peace and order.
Kaya nga lang kailangan talagang alisin dahil nagsisilbing road obstruction.
Bukod sa mga presinto ng pulisya, marami rin mga barangay outpost na itinayo sa mga bangketa ang ilan sa mismong kalsada ang sentro ngayon ng operasyon.
Ito nga naman kasi ang siyang ginagaya, kaya parang kabuti na nagsusulputan ang mga itinatayong structures sa bangketa.
Dapat talaga na sa ginagawang clearing operation na ito, unang sumunod ang nasa pamahalaan, para walang masabing ang maaapektuhan ding mamamayan.
- Latest