^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga bulok na dyipni wawalisin na sa kalye

Pang-masa
EDITORYAL - Mga bulok na dyipni wawalisin na sa kalye

ISANG taon na lamang ang palugit para alisin sa kalye ang mga karag-karag na dyipni at iba pang pampublikong sasakyan. Pagsapit ng Hulyo 1, 2020, wala nang makikitang bulok na public utility vehicle (PUV) kabilang ang dyipni, sa mga kalsada. Sapilitang hahatakin ang mga lumang sasakyan bilang pagtalima sa PUV modernization program ng Duterte administration. Dapat mag-comply ang jeepney operators sa programa ng gobyerno na inilunsad pa noong 2017. Mismong si President Duterte pa ang nagsabi na kapag hindi sumunod ang operators, ipasusuyod niya ang mga bulok na dyipni.

Ayon sa programa, lahat ng mga lumang jeepney na may edad 15 taon pataas ay papalitan ng mga modernong PUVs na pinatatakbo ng bagong Euro 4-compliant diesel engines o electric motors. Layunin ng programa na makapagbigay ng ligtas na transport system sa commuters at upang malaba-nan din ang matinding epekto ng air pollution. Ayon sa report, 80 percent ng air pollution problem ay nagmula sa mga lumang sasakyan lalo na ang mga jeepney. Karamihan sa mga yumayaot na jeepneys ay hindi na dumaraan sa maintenance schedule at pasada lang nang pasada. Banta rin sa buhay ng mga pasahero sapagkat dahil sa kalumaan, nawawalan ng preno at sumasalpok ang mga ito at may mga namamatay.

Ayon sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB), target nila na mapalitan ang may 170,000 units ng mga bulok na jeepney sa buong bansa. Sa kasalukuyan, mayroon nang 4,000 units na mga modernong jeepneys. Positibo ang LTFRB na bago sumapit ang 2020, makukumpleto nila ang mga target na modern jeepneys.

Nagbabanta naman ang ilang grupo at mga operator ng jeepney na magsasagawa sila ng tigil pasada para tutulan ang modernization program. Hindi raw kakayanin ng mga operator ang mahal na presyo ng mga modernong jeepney. Sabi naman ng LTFRB, tatlong taon na ang nakalipas at ganito pa rin ang sinasabi ng mga operators. Tutulungan naman sila ng pamahalaan para makakuha ng bagong jeepney pero hindi raw ito maintindihan ng operators at drayber.

Binigyan na ng pagkakataon at palugit ang mga may-ari ng lumang sasakyan para imodernisa ito subalit nagmamatigas pa rin sila. Nararapat ipagpatuloy ang modernization program. Huwag nang ipagpaliban ang pagwalis sa mga bulok na jeepney na nagdudulot ng air pollution at panganib din sa mga pasahero at pedestrian dahil depektibo ang preno.

DYIPNI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with