^

Punto Mo

Tutugon sa abot ng makakaya…

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAMAKAILAN, inilapit ng isang 19-anyos sa BITAG Action Center ang kanyang kahilingan na muling makabalik sa eskuwela. Ulilang lubos, pinatay ang kanyang mga magulang ng adik na kapatid.

Sa kasalukuyan, si Rhona ang tumatayong ate at ina sa kanyang maliliit na kapatid. Tumatanggap ng labada sa mga kapitbahay para lang maitawid ang pang-araw-araw na pagkain ng pamilya. Suwerte na nga raw kung makakain sila ng isang beses sa isang araw pero kadalasan ay wala.

Dito sa Pambansang Sumbungan, bibihira kami makatanggap ng hinaing na tulad ng kay Rhona dahil kadalasan ay mga sumbong ng pang-aabuso at panloloko. Ang mga simpleng kahilingan na nakakarating sa aming tanggapan, pipilitin naming matugunan.

Naisakatuparan ang kahilingan ni Rhona dahil sa ora mismong pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City. Nagbigay sila ng paunang tulong pinansiyal at pinangakuan ang pamilya ng karagdagan pang tulong.

Isang linggo matapos naming ilapit ang kaso ni Rhona at ng kanyang mga kapatid sa tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD) Caloocan, bumalik ang BITAG Strike Force para saksihan ang mga tulong na ipinangako ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City.

Nakabalik nang muli sa pag-aaral si Rhona, Grade 12 na ang dalaga. Nitong nagdaang Lunes ang kanyang unang araw sa eskuwelahan. Nabayaran na rin ng Caloocan City Hall ang balanse niya sa dating pinapasukang paaralan.

On-going na rin ang pagpuproseso sa application ng pamilya ni Rhona para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). At huli, inaasikaso na rin sa Public Employment Service Office (PESO) kung saan posibleng magtrabaho ang nakatatandang kapatid ni Rhona.

Kilala ang BITAG bilang action packed program pero kung may makarating sa aming kahilingan na nais matupad, handa kaming tumulong sa pamamagitan ng mga ahensiya at lokal na pamahalaan na layunin din na makatulong sa kapwa.

Hangad namin na matugunan hindi man lahat ang mga pangangailangan ng mga lumalapit sa aming tanggapan. Linawin natin, ‘yung mga tunay na nangangailangan lang, may iba diyan gagamitin pa kami para sa pansariling kapritso lang.

BITAG ACTION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with