^

Punto Mo

EDITORYAL - Solvent boys, walisin sa kalsada

Pang-masa
EDITORYAL - Solvent boys, walisin sa kalsada

ISANG kilometro lang ang layo ng headquarters ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA, Guadalupe, Makati City sa pinangyarihan ng insidente kung saan, isang bangag na solvent boy ang nangharang sa isang babaing motorista at nanghihingi ng P100. Nangyari ang insidente sa Guadalupe Bridge. Nag-viral sa social media ang pangyayari makaraang i-upload ng mismong motorista.

Nakunan ng dashcam ang pangyayari kung saan isang solvent boy na may hawak na bato ang humarang sa motorista. Nagbanta ang solvent boy na babatuhin ang motorista kapag hindi nagbigay ng pera.

Binuksan ng motorista ang bintana at inabutan ng pera ang solvent boy pero nagmatigas na P100 ang ibigay sa kanya. Walang ganoong halaga ang motorista kaya ipinasyang isara na ang bintana pero nailusot ng solvent boy ang kamay sa bintana at pilit na humihingi ng P100. Nagbanta ito na babasagin ang salamin. Hanggang sa maisara rin ng motorista ang bintana. Pinukpok ng hawak na bato ng solvent boy ang tagiliran ng kotse. Umalis na lamang ang moto­rista at ipinasyang magsumbong sa traffic enforcers sa ‘di kalayuan.

Pinuntahan naman agad ang inireklamong solvent boy pero hindi na ito inabutan. Kahapon, naaresto na ang solvent boy at inamin na siya nga ang nanghihingi ng pera sa Guadalupe Bridge.

Matagal nang may mga pasaway sa nasabing lugar at hanggang ngayon pala, meron pa rin. Dati nang may mga “batang hamog” sa lugar na nag-aabang sa mga motoristang nagbubukas ng bintana at saka biglang dudukutin ang maaabot na wallet o anumang bagay sa loob ng sasakyan. Kapag naisagawa ang pagnanakaw, tumatakbo sa kabilang panig ng EDSA ang mga “batang hamog”.

Bakit nagagawang makapambiktima ng mga batang ito sa EDSA na hindi namamalayan ng mga pulis o MMDA enforcers kaya? Nasaan ang mga pulis o MMDA o mga local traffic enforcers kaya? Walisin sa EDSA ang mga batang ito. Maaaring hindi lamang pagnanakaw ang gagawin ng mga ito kapag hindi nasawata.

SOLVENT BOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with