^

Punto Mo

Buhok ni Beethoven, tampok sa auction

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAGIGING tampok ng isang auction sa United Kingdom ang sinasabing buhok ni Beethoven, isa sa pinakadakilang composer sa kasaysayan.

Ayon sa auction house na Sotheby’s, nakatakdang sumalang sa auction block ang buhok ng pamosong composer sa susunod na linggo at inaasahang papalo ng $15,000 (katumbas ng P780,000) hanggang $19,000 (katumbas ng P990,000) ang mga bid para rito.

Ayon sa Sotheby’s, mismong si Beethoven ang nagbigay ng kanyang buhok sa kontemporaryo niyang si Anton Halm bilang regalo sa asawa nito.

Nalaman kasi ni Beethoven na minsan nang nakakuha si Halm ng sinasabing buhok niya ngunit balahibo lamang pala ito ng kambing.

Sigurado naman ang Sotheby’s na buhok ng tao ang magiging tampok sa kanilang auction.

vuukle comment

BEETHOVEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with