Ang nakataling elepante
NAPAGAWI sa training camp ng mga elepante ang isang lalaki. Napansin niyang hindi nakakulong ang mga ito. Sa halip ay nakatali lamang ang paa ng mga ito sa isang kapirasong kahoy na nakabaon sa lupa. Napangiti sa sarili ang lalaki.
Kung tutuusin, isang sipa lang ng elepante ay maaaring mahugot sa lupa ang kapirasong kahoy at puwede nang makawala ito sa pagkakatali, pero hindi ito nangyayari. Bakit kaya ganoon? Tanong ng lalaki sa trainer. Ang sagot ng trainer:
“Noong araw na sila ay mga baby elephant pa lang, ang tali at kahoy na pinagtatalian nila ay the same size na ginagamit namin sa kasalukuyan kahit sila ay dambuhala na. Nakondisyon na ang kanilang isipan na hindi sila makakawala sa pagkakatali kaya hindi nila sinusubukang kumawala. Akala nila, porke’t nakatali, forever na silang bihag ng tali at kapirasong kahoy.”
“No matter how much the world tries to hold you back, always continue with the belief that what you want to achieve is possible. Believing you can become successful is the most important step in actually achieving it.” Anonymous
- Latest
















