Ang pusong punum-puno ng pag-asa
MAY isang English artist noong 1924 na ang pangalan ay William Wolcot. Pumunta siya sa New York upang maghanap ng mga bagay na maaari niyang iguhit sa kanyang canvass.
Habang namamasyal ay naisipan niyang dalawin ang kaibigan sa opisina nito. Habang nagkukuwentuhan ay may namataan si William na para sa kanya ay magandang iguhit. Para bang bigla siyang nagkaroon ng “urge” na iguhit ang bagay na iyon. ‘Yun bang feeling na atat na atat magdrowing.
Humingi siya ng lapis at papel sa kaibigan pero walang maibigay sa kanyang papel. Hindi nawalan ng pag-asa si William. Nilibot niya ang buong opisina ng kaibigan. Nakita niya ang papel na pinagbalutan ng kung ano sa isang sulok at ito na lang ang kanyang ginamit.
Nakalikha si William ng dalawang obra gamit ang papel na pinagbalutan ng kung ano. Nang maglaon ay naibenta niya ang kanyang obra sa halagang 500 dollars at ang isa ay 1,000 dollars. Isa nang malaking kayamanan ang ganoong halaga noong 1924.
Ang isa palang simpleng bagay ay nagiging kayamanan kapag ito’y nilikha ng isang taong punong-puno ng inspirasyon. Ang pusong puno ng inspirasyon ay hindi maitatanggi na puno rin ng pag-asa. Sabi nga ni Christopher Reeve: Once you choose hope, anything’s possible.
- Latest