Pagong Ako Kuyang Pilipinas Inc.!
CONGRATULATIONS to the new set of Pagong Ako Kuyang Pilipinas Inc. officers, Year 2019 - 2020.
Ang mga bagong hirang na mga opisyal ng Pagong Ako Kuyang Pilipinas Inc. ay sina RWT Adrian Salvador - President, BroT Marvin Manzon - 1st VP, BroT Alexander Yu - 2nd VP, BroT Miguel Solomon - Secretary & concurrent Conferral Director, GWT Danni Membrere - Treasurer at si GWT Anthony Chan - ang PRO.
Ang fellowship ay ipagbibigay alam sa mga Brother Turtles sa mga susunod na araw.
Para sa kaalaman ng mga hindi nakakaalam ang Pagong Ako Kuyang Pilipinas Inc., ay isang Masonic social club sa Philippines my Philippines na itinatag ni VW Jun Vidanes!
Sabi nga, Bloop! Bloop! Bloop!
• • • • • •
Si Lim ng Maynila, ang makamahirap
Tiniyak ni dating Maynila Mayor Fred S. Lim, na kakanselahin niya ang lahat ng kontratang nagsapribado sa mga public market sa Maynila para maprotektahan sa mataas na bayarin ang mga stall owners, vendors at mga residenteng namimili sa mga ito para sa kanilang pangangailangan sa pang araw-araw.
Ipinangako ni Lim na kanyang ibababa ang singilan blues ng mga bayarin sa mga stall owners at vendors para hindi na nila kailangang itaas pa ang presyo ng kanilang mga paninda.
Pinakinggan ni Lim ang hinaing ng madlang maninida na mga taga - Pritil sa Tondo dahil sa panggigipit sa kanila ng mga nagpapatakbo sa Manila City Hall kasama din ni Fred ang kanyang anak na si Cristy Lim na tumatakbong konsehal sa Unang Distrito ng Maynila.
Banat ni Lim, oras na manalo siya sa eleksyon sa Lunes (May 13) una niyang gagawin ay pupulungin nito ang madlang vendors at stall holders upang personal na alamin ang kanilang mga pangangailangan para pagbuhitin ang sistema sa mga palengke, kasabay ng pahayag na maglulunsad siya ng mga proyekto upang gawing mas moderno at malinis ang mga pamilihang bayan sa buong Maynila.
Sabi ni Lim, ang pag-aari at pagpapatakbo ng mga pamilihang bayan ay dapat na pamahalaang-lungsod ang gumagawa upang matiyak na protektado ang mamamayan sa hindi tamang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.
Banat ni Lim, kapag private company ang may-ari ng palengke, mas mataas ang singil at bayad sa stalls ng mga manininda at ‘yung mga nagtitinda naman, ipapasa sa mga mamimili ‘yung pambayad nila sa puwesto.
Ang nangyayari, aniya, ay napipilitang sa kalsada magtinda ‘yung mga vendor na di kayang magbayad ng mataas na singil sa puwesto kaya nagkaka-problema dahil nagkakabuhol-buhol ang trapiko.
Matatandaan na noong 2016, ang Manila City Council ay nagpasa ng City Ordinance 8346 o ‘Manila Joint Venture Ordinance’ na ang 17 public markets ay binuksan para sa ‘joint ventures’ kasama ang pribadong sector. Sa ilalim niyan ay ipinagawa ang mga public markets sa tulong ng pribadong kumpanya.
Kakanselahin umano ni Lim ang mga nasabing kontrata dahil aniya, ilang mayayamang negosyante lang ang nakikinabang sa mga ito habang ang karamihan ng mamamayang taga-Maynila ang siya namang nagdurusa, lalo na ang mga residente ay sa palengke namimili dahil mas mahal o mababa ang paninda kaysa sa mga grocery stores.
Ano sa pagalay ninyo?
Si Lim na ang piliin sa Lunes! Abangan.
- Latest