^

Punto Mo

Mas bully ako sa mga taong bully!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI ko pinapalampas ang mga sumbong ng pananakit at pang-aabuso. Lumalabas ang sungay ko para suwagin ang mga bully na nakaka-engkuwentro ko, mapa-on cam o wala mang camera.

Wala akong pakialam kung nasa ere man ako o wala, at kesehodang tawagin akong hambog at mayabang, beast mode ako sa mga butangero.

Etong nakaraang linggo, dalawang lola ang lumuwas mula probinsiya ng Romblon makarating lang sa BITAG Action Center.

Nanginginig pa sa takot at mangiyak-ngiyak ang dalawang matanda. Ang kanilang inirereklamo, bodyguard daw ng kasalukuyang mayor ng Romblon.

Dati na raw silang may isyu, noong mga panahong kapitan pa ng barangay ang inirerekla-mong si Delfin Jaravata. At ngayong naging tauhan daw ni Governor ay mas lumakas ang loob nitong apihin sila.

Sinugod daw sila sa bahay nitong si Delfin Jaravata saka sila pinagsasampal. Hindi pa lubos na naligayahan ang hinayupak, binantaan pa nito na papatayin ang mga lola dala ng matinding kalasingan.

Sa programang Kilos Pronto, mabuti namang sumagot sa tawag ng BITAG si Delfin Jaravata pero ang butangerong inirereklamo, nuknukan ng sinungaling.

Hindi raw niya sinaktan ang dalawang matanda, wala raw katotohanan ang sumbong ng mga ito. Inutusan pa nga akong i-check ko raw ang medico legal ng dalawa.

Gusto pa akong isahan ng putok sa buhong ‘to na lalo kong kinainit ng ulo. Butangero na, hambog pa, sinungaling pa, matanda lang ang kaya!

Nakausap din namin ang pulis na nag-imbestiga sa reklamo nila lola at siya mismo, sinabing may pananakit at pang-aabusong nangyari.

Ang pinakamasayang parte, nakausap ko mismo sa ere ang Chief of Staff ni Romblon Governor para iparating sa alkalde ang ginawa ng kaniyang tauhan.

Anak ng pating, hindi naman pala niya bodyguard etong inirereklamo na si Delfin Jaravata, isa siyang sekyu sa Kapitolyo!

Kung umasta ‘tong lintek na sigang ‘to, akala mo kung sino. Gov., delikado kapag may ganito kang tauhan sa tanggapan ng gobyerno.

Imbes taga-protekta ng mga tao sa nasasakupan mo dahil pera ng publiko ang pinampapasahod sa kaniya ay malakas pa ang loob na manakit ng kapwa.

O sa’yo Delfin, pagbisita ko ng Romblon siguraduhin mong hindi kita makikita. Ipapatikim ko sa’yo kung anong ginawa mo sa dalawang matandang biktima mo.

Ang mga bully, gusto nila ‘yung takot dahil they use the art of intimidation. Pero ‘pag alam nilang may tatapat sa kanila tulad ni BITAG, bumabahag ang buntot ng mga ‘yan.

Walang sinuman ang may karapatang manakit at mang-abuso. Kaya sa mga tatay, kapatid o kung sinumang bully sa mga komunidad, tatapatan ng BITAG ang lengguwahe ninyo nang magkaintindihan tayo.

BITAG ACTION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with