^

Punto Mo

Babae sa UAE, nagising matapos ang 27-taong pagkaka-coma

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa United Arab Emirates ang nagising mula sa kanyang halos tatlong dekadang pagkaka-comatose, ayon sa kanyang anak.

Ngayon lang isinapubliko ng anak ni Munira Abdulla ang balita ngunit noon pang isang taon nagkaroon ng malay ang kanyang ina na na-comatose dahil sa aksidente 27 taon na ang nakararaan.

Kasama ang noo’y 32-anyos na si Munira ang kanyang noo’y apat na taong gulang na anak nang sumalpok ang kanilang sinasakyan sa isang bus. Niyakap ni Munira ang kanyang anak kaya nakaligtas ito at siya naman ang napuruhan.

Ngayon ay 32-anyos na rin ang anak ni Munira at ayon sa kanya ay hindi raw siya nawalan ng pag-asa na muling magigising ang kanyang ina.

Sa isang ospital sa Germany nagkamalay ang kanyang ina noong isang taon at ngayon ay sumasailalim si Munira sa mga ope­rasyon upang bumalik ang lakas sa kanyang katawan na nanghina dahil sa pagkakaratay ng halos tatlong dekada.

vuukle comment

COMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with