^

Punto Mo

EDITORYAL - Kahalagahan ng Reproductive Health Law

Pang-masa
EDITORYAL - Kahalagahan ng Reproductive Health Law

LUBHANG mataas ang bilang ng mga kababaihan na edad 15 hanggang 19 ang nabubuntis na wala sa panahon. Biglaan ang pakikipagrelasyon. Napasubo sa maagang pakikipagtalik at ang resulta ay ang pagbubuntis. Iglap lang ang nadamang kaligayahan sa pagsasanib nang nagbabagang katawan at ang kasunod ay ang pagpasan sa responsibilidad na hindi nila lubusang napaghandaan. Sila rin ang kawawa sa dakong huli at damay rin ang kanilang mga isisilang.

Sa ulat ng Population Commission noong 2017, nagkaroon ng 47 live birth sa bawat 1,000 kababaihan na nasa edad 15 pataas. Ayon pa sa report, karamihan sa mga nabuntis ay pawang nasa mahihirap na komunidad sa rural areas.

Inalis na ng Supreme Court ang Temporary Restraining Order (TRO) sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Law noong 2017. Una nang pinigil ng SC ang pagpapatupad ng RH Bill sapagkat hindi masagot kung ligtas ang mga gamot para sa birth control.

Isa sa mga pinangako ni President Duterte noong nangangampanya pa lamang noong 2016 ay ang family planning program. Nang mahalal sa puwesto, hindi pa rin nagbabago ang paninindigan niya sa reproductive health at dapat itong malaman ng mga kabataan. Kaya magandang pagkakataon ito para sa kasalukuyang gobyerno na maisulong ang RH at maituro rin ang kagandahan ng pagtuturo ng sex education sa mga bata.

May mga kabataan ngayon na inilalagay ang buhay nila sa peligro. Dahil hindi pa handa sa pagbubuntis may mga nagpapa-abort.

Kagaya ng nangyari sa isang babae sa isang motel sa Sta. Cruz, Maynila na ini-abort ang kanyang pinagbubuntis. Naubusan umano ng dugo ang biktima at patay na nang matagpuan ng room boy. Nakita sa kuwarto ang mga gamot na ininom ng biktima para i-abort ang pinagbubuntis. Masakit ang nangyari sapagkat kasama siyang namatay.

Ngayong inalis na ang TRO sa RH, dapat magsumikap pa ang pamahalaan para maikampanya sa mga “nene” at “totoy” ang kahalagahan ng RH law. Nararapat na maiplano ang pamilya at mailigtas sa kapahamakan dulot nang maagang pagbubuntis.

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with