^

Punto Mo

Utol (192)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HALIKAYO! Pasok kayo rito!” anyaya ni Gina.

Pumasok sina Gerald.

Malaki ang salas ng bahay. Napakalinis. Pawang mga antigo ang kasangkapan.

“Maupo kayo. Nagulat talaga ako sa pagdating n’yo,” sabi ni Gina na nakaupong katabi ni Gerald. “Sinurpresa talaga ninyo ako.’’

“Madali lang palang hanapin itong sa inyo Gina.’’

“Mabuti nga at napagtiyagaan n’yong hanapin. At bilib ako sa’yo Gerald, ni hindi mo alam ang apelyido ko pero natagpuan mo.’’

“Sabi ko sa’yo Gina, kapag matindi ang pagnanais ng isang tao, makikita niya ang hina­hanap. At nagtagumpay ako!’’
“Bilib na ako sa’yo, Gerald.’’

“Sa totoo lang, gusto ko rito sa inyo. Ang sarap ng hangin. Malapit na ba ito sa lake?’’

“Oo. Malapit na. Gusto n’yo run tayo kumain. May mga floating cottages sa lake.’’

“Sa inyo ang lake, Gina?’’
“Sa parents ko. Nagpagawa ng mga floating cottages dun at para sa mga namamasyal at turista.’’

“Wow, bigatin ka pala.’’

“Gusto n’yo run tayo?. Magpapahanda ako ng isang floating cottages at saka pagkain.’’

“Sige, Gina.’’

Habang may tinatawagan si Gina ukol sa pagpapare­serba ng cottage, nagpasyang lumabas muna ng bahay sina Xander at Anna. Namasyal sila sa paligid ng bahay.

Nang matapos si Gina sa pagpapareserba ng cottage, nilapitan niya si Gerald.

“Gerald, may sadya ka ba kaya ka nagtungo rito?’’

“Oo Gina. May sasabihin ako sa’yo.’’

“Ano yun?”

“Nami-miss kita.”

(Itutuloy)

 

UTOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with