^

Punto Mo

Internal cleansing sa PNP, tuluy-tuloy lang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa isinagawang campaign rally ng PDP-Laban sa Malabon City nasabi ni Pangulong Digong na nakahanda siyang ilantad o ilabas ang mga dokumento na naglalaman ng impormasyon sa pagkakasangkot sa illegal drug trade ng ilang tiwaling opisyal ng PNP.

Isa umano ito sa dahilan kung bakit matindi pa rin  ang problema ng bansa sa ilegal na droga.

Hinihintay na rin ng pamunuan ng PNP ang  nasabing drug matrix ng Pangulong Digong para umano ay kanilang maaksiyunan.

Ayon sa pamunuan ng command, hindi naman sila nagpapabaya na tugunan ito at sa katunayan umano tuluy-tuloy at walang patid ang isinasagawa nilang internal cleansing.

Sa kanilang report, simula noong 2016 hanggang sa kasalukuyan, mahigit sa 400 ng pulis ang nasibak sa puwesto dahil sa pagkakadawit sa iba-ibang ilegal na aktibidades.

Nasa 220 rito ang napatunayang gumagamit ng ilegal na droga at 119  ang dawit sa kahalintulad na kaso, tulad ng pagbebenta ng illegal drugs o ‘di kaya ay yaong nagbibigay proteksyon sa mga drug suspect.

Kung ganito na karami ang bilang ng mga awtoridad na dawit sa ganitong uri ng aktibidades na may konek sa ilegal na droga, mukhang tama si Pangulong Digong na mahihirapan o malayo pa talaga bago tuluyang mawakasan ang problema sa illegal drugs sa bansa.

Talagang nakakaalarma na kung sino pa ang dapat na magpatupad sa batas at mga kaayusan, ay siya pang  pasaway na nadadawit sa mga paglabag at katiwalian.

Dapat sa mga ito ay kalusin nang husto, dapat matukoy lahat nang hindi na makahawa sa iba pa na mas lalong magpapalala sa problema.

 

INTERNAL CLEANSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with