^

Punto Mo

EDITORYAL - Luluwag sa EDSA kapag inilipat ang bus terminals

Pang-masa
EDITORYAL - Luluwag sa EDSA kapag inilipat ang bus terminals

MAGANDANG balita na ililipat na ang mga provincial bus terminals. Mula sa mga terminal nila sa EDSA, Cubao, Quezon City, ililipat na ito sa Parañaque at Valenzuela City. Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) hanggang Hunyo na lamang ang mga bus terminals sa EDSA. Ang mga bus na galing sa south ay magkakaroon na ng bagong terminal sa Parañaque City at Sta. Rosa City. Ang mga bus naman na galing north ay magkakaroon ng terminal sa Valenzuela City. Ang kautusang ito ay nagmula mismo kay Pres. Rodrigo Duterte na napupundi na rin sa grabeng trapik sa EDSA.

Noong nakaraang taon pa sinimulang alisin sa EDSA ang mga terminal ng provincial buses. At ngayong taon, talagang ipatutupad na ng tuluyan ang pag-aalis sa mga ito. Wala na umanong hadlang sa paglilipat.

Ang mga provincial buses ang napatunayang nagiging dahilan ng grabeng pagtatrapik sa EDSA, particular sa Cubao area kung saan naroon ang mga terminal. Sa pagmamaniobra na lamang ng mga bus papasok sa kanilang terminal ay inaabot na ng siyam-siyam kaya perwisyo na sa mga motorista. Ganundin naman kung lalabas sa terminal, kinakain ang malaking portion ng kalsada kaya nagdudulot ng grabeng trapik.

Marami nang sinubukang paraan ang MMDA para mapaluwag ang trapik sa EDSA pero walang epekto at lalo pang naging miserable ang pagbibiyahe sa highway na ito. Ang dating isang oras na biyahe mula North EDSA patungong Makati ay tatlong oras na ngayon.

Halos araw-araw ay kalbaryo ang trapik at wala nang magawa ang mga motorista kundi ang maghimutok. Hindi na nila alam kung magbabago pa ang kalagayan ng trapik sa EDSA.

Tiyak na malaki ang iluluwag ng trapik sa EDSA kapag nailipat nang lahat ang provincial bus terminals. Magsasakripisyo nga lamang ang mga pasaherong galing norte at south dahil sasakay uli sila. Subalit para rin ito sa kanila sapagkat hindi na sila magdurusa sa grabeng trapik sa EDSA na ilang dekada nang problema.

vuukle comment

BUS TERMINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with