^

Punto Mo

Dorobong security agency, sindak sa BITAG at SOSIA

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAPAG ang BITAG ang nagtrabaho, may aksyon at resulta, ‘di lang puro ngawa. Oras na sabihin naming manghihimasok na ang aming grupo, asahan nang may mangyayari.

Isang sumbong ng mga sekyu ang sinolusyonan ng BITAG. Reklamo nila, kinakaltasan ang kanilang sahod ng P50 at walang 13th month pay.

Sinamahan ng aming team ang mga nagrereklamo sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) para magsampa ng pormal na reklamo.

Simpleng reklamo, nauwi sa kumplikado’t sanga-sangang violation ng security agency.

Agad nagsagawa ng inspection ang SOSIA sa Binondo, Manila kung saan nakatalaga ang isa sa mga nagrereklamong sekyu. Nagulantang ang iba pang mga sekyu ng Saint Blaise Security Agency na naka-duty sa gusali.

Ang humarap na officer-in-charge, walang maipakitang legal na dokumento. Pati ang sekyu na nakaposte pa man din sa bungad, ni isang I.D., walang maipakita sa mga inspektor. Jusmiyo!

Parang basang sisiw na umamin ang operations manager na nagde-deploy sila ng mga security guard kahit walang lisensya at walang pormal training sa paghawak ng baril.

Palusot ng kolokoy, pinuproseso naman ang lisensya ng mga sekyu kaya wala naman daw problema kung bigyan agad ng poste ang kanilang mga gwardya.

Gustong palabasin na utang na loob pa ng mga sekyu ang kanilang trabaho kahit na hilaw pa sila para sa tungkulin. Mayabang na sinabing kung makadisgrasya ang kanilang mga sekyu, sasagutin ng kanilang agency ang anumang gastusin.

‘Yang lisensiya ng baril, parang driver’s license ‘yan. Habang pina-process, hindi ka pwedeng magmaneho ng sasakyan hangga’t wala kang hawak na I.D.

Nang dahil sa P50, nakalkal pa tuloy ang kanilang tinatagong baho. Obligasyon ng security agency na siguraduhing may mga sapat na dokumento at dumaan sa pormal na pagsasanay ang kanilang mga sekyu lalo na sa paghawak ng baril.

Ang P50 na kinakaltas sa mga pobreng sekyu, kasiguraduhan lang daw ng kanilang agency na kung sakaling itakbo ng sekyu ang kanilang baril, atlis may habol sila.

Sa isinagawang inspeksyon ng PNP-SOSIA, umabot sa halagang P100,000 ang violation ng balasubas na agency. Kung hindi mababayaran, hindi sila makakapag-renew ng kanilang lisensiya.

Nangako man ang inirereklamong agency na tutulungang mabigay ang sahod at 13th month pay ng mga resigned na sekyu, patuloy pa rin namin silang tututukan.

SOSIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with