^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat inbestigahan si Balutan

Pang-masa
EDITORYAL - Dapat inbestigahan si Balutan

NAUNA nang inihayag ng Malacañang na sinibak si PCSO general manager Alexander Balutan dahil sa alegasyon ng corruption. Pero isang araw ang lumipas, binawi ng Malacañang ang unang pinahayag at sinabing hindi sinibak si Balutan kundi nagbitiw ito sa puwesto.

Matatandaan na inanunsiyo ng Malacañang na sinibak si Balutan dahil sa serious allegations ng corruption sa PCSO. Ginawa ang pagsibak, tatlong araw makaraang magtestify si Balutan at iba pang PCSO officials sa House of Representatives kaugnay sa isyu ng corruption sa issuance ng Small Town Lottery (STL) franchises sa bansa.

Sabi pa ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang pagsibak kay Balutan ay dapat ma-ging babala sa iba pang government officials at empleyado na gumagawa ng corruption. Wala raw sacred cows sa kasalukuyang administrasyon at lahat ay masisibak kapag nasangkot sa katiwalian.

Matatandaan din na sinabi noon ni President Duterte na makalanghap lamang siya ng corruption sa isang tanggapan ng pamahalaan ay sisibakin agad niya sa puwesto. Wala nang tanung-tanong pa. Kaya ang payo ng Presidente sa mga gumagawa ng korapsiyon, magbitiw na lamang sa puwesto kaysa ipahiya niya. Noong 2017, maraming government officials siyang sinibak sa puwesto dahil sa alegasyon ng corruption. Ang ilan, biyahe nang biyahe sa ibang bansa.

Subalit ang “pagsibak” kay Balutan ay nababalot ng mga kontrobersiya sapagkat sinasabi ni Balutan na hindi siya sinibak sa puwesto kundi nagbitiw siya. Ayon kay Balutan, nagbitiw siya sapagkat mayroon siyang “hindi masikmura sa PCSO”. Hindi naman nilinaw ni Balutan kung ano ang sinasabi niyang “hindi masikmura sa PCSO’’. Ang sinabi niyang ito ay nagbibigay ng kung anu-anong haka-haka at mga palaisipan. Maaaring isipin na mayroong naninira sa kanya. Sinabi ni Balutan na bago siya naupo sa puwesto noong 2016 tahasan niyang sinabi na magre-resign siya kapag may nag-utos sa kanya mula sa Office of the President at Congress na hindi niya masikmura.

Kahit hindi sinibak si Balutan at kusa siyang nagbitiw, dapat pa rin siyang inbestigahan. Ganito rin ang sinabi ni Sen. Ping Lacson. Mas magkakaroon ng kaliwanagan ang lahat kung magkakaroon ng masusing inbestigasyon. Dapat mahalukay ang mga nangyayari sa PCSO.

ALEXANDER BALUTAN

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with